12/03/16
Vote and Comment
Have Fun Reading <3
Sinipag ako mag sulat eh hihi <3
Oopsss back to the story na hihi :)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter Six At The Yoon General Hospital
Maxine's POV
Nagra-rounds sina Maxine at Lucas kasama ang iba pang mga interns sa medical-surgical ward nang biglang pigilan ni Mang Simon ang isang kamay niya.
Nakahiga ito sa hospital bed, hinang-hina at nangangayayat. Kidney failure ang sakit nito at ayon sa patient's chart nito, puwede pa itong maisalba ng kidney transplant.
Hindi nga lang makapag-produce n malaking halagang magagastos sa operasyon ang mga kamag-anak nito.
Charity ward iyon at mahihirap ang naka-confine na pasyente roon. Mag-iisang buwan na itong naka confine doon.
Lalo raw naghikahis ang pamilya nito dahil sa mga nagagastoa dito sa hospital.
"Gustong ko pang mabuhay. Tulungan mo ako nagsusumamong sabi nito.
Naging malapit ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang malasakit niya rito.
Siguro ay dahil ito ang nagsilbing ama niya nang mga panahong nalulungkot siya at nangungulila sa totoong ama niya.
Minsan ay nahalata nitong malungkot siya. Sa lahat ng pasyente niya, ito lang ang nagtanong kung may problema siya.
Hindi siya nakatiis, ikinuwento niya rito ang lahat ng gumugulo sa isip niya at parang lumuwag ang dibdib niya pagkatapos niyon.
Nalulungkot siya ngayong wala siyang magawa para matulungan ito. Saglit napatda siya.
That was ine of the hardest parts of being a doctor. Iba't ibang pasyenteng may iba't ibang kaso at problema ang nakikilala niya.
Minsan ay naawa siya pero wala siyang nagawa para makatulong. The cure was possible.
Money was not. Kung sana ay mayaman siya at kaya niyang magpatayo ng libreng hispital para sa mahihirap.
"Sorry po, Tatay." Hindi niya alam kung paano niya napakawalan ang mga salitang iyon.
"Wala po kasi akong..."Hindi rin niya alam kung paani niya dudugtungan ang mga salitang iyon.
"Kailangan ako ng mga apo ko," dagdag na pakiusap nito kasabay ng panunubig ng mga mata.
"Wala na silang mga magulang. Ako na lang ang nag-aalaga sa kanila. Nakikiusap ako, Doctor Kang.
Tulungan mo akong gumaling, anak. Parang awa mo na." Pinilit niyang ibaling sa iba ang paningin bago pa siya maapektuhan sa awa sa matanda.
May iba't ibang pasyenteng inaasikaso sina Rouge, Moira at ibang interns maliban kay Lucas na noon lang niya napansing nakatingin kay Mang Simon.
Cool pa rin ang hitsura nito, hindi kababakasan ng awa ang mukha.
Ibinalik niya ang tingin sa pasyente. "Tay, magpahinga na po kayo." Pagkasabi niyon ay nagmamadali na siyang umalis bago pa siya maluha sa harap nito.
Pagdating sa labad ng ward ay napatigil at napasandal siya sa dingding ng hallway. Awang awa siya kay Mang Simon.
Gusto niyang makatulong pero paano? "Hindi bagay maging doctor ang taong mahina ang loob."
Napatingin siya kay Lucas. Nasa tabi na nia ito at nakangisi sa kanya. "Hindi mahina ang loob ko," aniyang sinimangutan ito.
Pagkatapos ay tinalikuran niya ito. "Oh, really?" ang hula niya ay lalong lumawak ang pagkakangisi nito.
"Kaya pala malapit nang malaglag ang luha mo kanina. Kung awa sa pasyenteng ang paiiralin mo, hindi ka magiging magaling na doctor."
"Marunong akong maawa pero hindi mahina ang loob ko," sabi niya, saka binilisan ang paglakad.
Nararamdaman niya ang pagsunod nito sa kanya. "Palibhasa wala kang puso. Kya ka lang nagdoctor ay para mag-manage ng hospital ng pamilya mo at kumita nang malaking pera sa mayayamang pasyente mo.
Nasaan'yong ipinangako mo sa oathtaking na you're going to serve humanity" Stop talking like you know me, Kang," sabi nito.
"Kilala na kita. Mabilis makita ang tunay ng ugali ng mga taong kagaya mo." That's what you think.
Mas mabilis makilaka ang mga taong kagaya mo. Oo, marunong ang maawa pero may hatred sa puso mo.
Hindi mo pa ako kilala, Kang. And you'll nver get the chance to know the reall Lucas." Nilampasan siya nito at nagmamadali itong umalis.
Natigilan siya at sinundan na lang ng tingin ito.
Siguro nga, mahirap kilalanin ang isang Dr. Lucas Yoon, naisip ni Maxine. Habang patuloy niya itong nakakasama ay patuloy rin itong nagiging misteryoso para sa kanya.
Alam niyang maloko ito, may attitude problem, babaero, pero pagkatapos ng malaman niya nang sumunod na araw, naisip niyang hindi pa nga niya ito kilala at hindi niya alam kung magkakaroon pa siya ng pagkakataon na makilala itong nang lubusan.
"Nasaan ang pasyente rito?" tanong niya sa isang nurse nang bumalik siya sa charity ward at makitang wala na roon si Mang Simon.
Sinaklot ng kaba ang puso niya. Tuluyan na bang sumuko si Mang Simon? Tuluyan na bang bumigay ang katawan nito at... She closed her eyes.
Ayaw niyang isipin iyon. Hanggang maari ay gusto iyang ligtas na lalabas ng hospitap ang bawat pasyente niya.
Malulungkot siya kapag may nangyaring masama kay Mang Simon. Dinala na po siya sa operating room, Doc," sagot ng nurse na ikinatuwa ng puso niya.
"Talaga, Emma?" Nkahinga siya nang maluwag. "Ang ibig mong sabihin, nakahanapna sila ng panggastos sa operasyon? O may charity institution na tumutulong sa kanila? Social worker? DSWD------"
"Si Dr. Lucas Yoon po ang tumulong sa kanya,"Ano?" Gusto niyang linawin ang sinabi nito. Baka nagkamali lang siya ng dinig.
"Si Dr. Lucas Yoon po ang nag-sponsor ng operation ni Mang Simon," sagot ng nurse.
"May nilapitan po 'ata siyang private charity group na tumutulong sa mga kapus-palad gaya ni Mang SImon. Si Doc po ang umasikaso sa lahat."
Walang salitang lumabas mula sa bibig niya. Nakaalis na ang nurse ay hindi pa rin siya makakilos sa kinatatayuan niya.
Titig na titig siya sa hospital bed na binakante ni Mng Simon. Pagkagaling sa charity ward ay nag tungo si Maxine sa mga kaibigan niya.
End of Chapter Six
Happy Reading my story :)
Vote and comment <3
#HashtagVoteAndComment
Babush guys <3
BINABASA MO ANG
Hold My Hand, Cure My Heart
FanfictionHindi perfect pero smooth naman ang takbo ng buhay ni Maxine sa hospital na pinapasukan niya bilang intern. Then Dr. Lucas Yoon came. Laging nakasuot ito ng T-shirt at maong pants. Mahilig itong ngumuya ng chewing gum at makinig ng music sa iPod nit...