Absent si Maxine

6 0 0
                                    

12/15/16

Chapter 13 Absent si Maxine

Lucas POV

"Hindi makakapasok si Maxine?" tanong ni Lucs kina Rouge at Moira.

Ilang araw na ang nakalilipas mula nang bugyan siya ng surprise birthday party ng mga ito.

Nag-lunch sila sa cafeteria. "Pangatling araw na siyang absent, ah."

"That's right," sabi ni Rouge. Feel na feel nito ang pagsubo ng saging. "Hindi uma-absent 'yon hanggang kaya pa ng katawan niya."

"Kaya posibleng matindi talaga ang trangkaso niya ngayon kaya hindi siya nakapasok," dugtong ni Moira habang may lamang kain ang bibig nito.

"Paanong hindi tatrangkasuhin 'yon? ani Rouge sa pagitan ng pagnguya.

"Uumulan-ulan pa no'ng pumunta siya sa Divisoria para bumili ng kandila at banig. Imagine, nagkandakuba ang lola mo sa pagbitbit ng mga 'yon.

"Tapos, inabot siya nang kalahating araw sa pagde-decorate ng poolside.

Nagpuyat sa paggawa ng cake. Imagine-in mo naman ang hirao niyang'yon, Fafa Lucas.

Hindi siya makapagsalita. Napuno ng guilt ang puso niya.

Natagpuan na lamang niya ang sariling nakasandal sa locker niya sa intern's room habang nakatitig sa locker ni Maxine na naiwan nitng bahagyang naoabukas.

Para sa isang OC na katulad ito, hindi basta-basta maiiwan nito na bukas ang locker nito.

She must be very busy then.

Natagpuan niya ang sariling binuksan ang locker. Nakita niya roon ang organize ni Maxne.

Dala ng curiosity at pagka-miss dito, hindi nakatiss na binuksan niya ang organizer.

Ang mga schedule nito ang sumalubng sa kanyang mga mata. Hindi tngkol sa trabaho nito, hindi tungkol sa ibang bagay ang in-organize nito sa mga lumipas na araw kundi ang tungkol sa birthday niya.

July 6. Maggo-grocery para sa mga ingredients para sa birthday cake ni Lucas.

July 7. I'll write my birthday speech for Lucas.

July 8. I'll order flowers for Lucas Birthday party's.
July 9. Shop for Divi. At Lucss Birthday party's.

July 10. It's is Birthday. I wanna make it special for him. Hopefully.

My smile icon pa dun sa dulo ng note. Hindi lng siya lalong na guilty, nabasa din ang mga luha ang kanyang mata.

Noon lang uli may isang babaeng nag bigay ng importansiya sa kanya at bina-wela pa niya iyon.

"Ikaw ba Doctor Lucas Yoon?" Hindi makapaniwalang sabi ng babaeng nagpapakilala kay Lucas bilang "Helen" at Mama raw ni Maxine.

"Yong anak ni Augusto Yoon?" 'Yung gwapo pero suplado numero unong playboy rawn doctor?" Oh, well, sabi 'yon ng anak ko.

Pasensiya kana.

"Okay lang ho," napapangiting sabi niya. Natutuwa siyang kausap ito.

Kung gaano kasi kaseryoso si Maxine, ganoon naman kakuwela ang mama nito. "Correction lang ho.

Hindi ako playboy o player. Friendly lang ho ako."

"Obvious naman, hijo. Huhulaan ko. Hahabulin ka kasi ng mga babae kaya ka napagkakamalang player."

"Exactly, Tita." lalo siyang napangiti sa sinabi nito.

Pero nasasabik na siyang makita si Maxine kaya igunala niya paningun sa apat na sulok ng living room ng bahay ng mga ito.

Hold My Hand, Cure My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon