12/04/16
Chapter Eight This Call From His Father
Maxine's POV
"Kanino galing ang tawag?" tanong ni Maxine sa nak-duty nurses' station ng medical-surgical ward.
Nag-page ito na may phone call siya. Hindi ito nakasagot dahil dumating ang kamag-anak ng isang pasyente at sinabi ritong paubos na ng IV fluids.
Inianat niya ang awditibo. "Hello?" aniya sa nasa kabilang linya. Ilang sandali ang lumipas bago niya narinig na may sumagot.
"Hindi mo sinasagot ang cellphone mo," sabi ng pamilyar na boses." Ayaw mo akong kausapin kapag tumatawag ako sa bahay kaya naisi kong tawagan ka sa hospital.
Kumusta ka na, Maxine?" Busy ako." Kilalang-kilala niya ang boses ng kanyang ama.
Tuwing naritinig niya ang boses nito ay sumasama ang loob niya at pumangit ang araw niya.
"Anak----"
"Wag na uli kayong tatawag dito. Bawal kaming makipag-usap sa telepono ng oras ng trabaho."
"Gusto lang naman kita kumustahin," sabi nito. "Missed na missef na kita, anak. Ang sabi ng mama mo, hindi mo raw ginagamit ang perang ipinadala ko sa'yo.
Ipinapasauli mo raw sa akin. Anak hindi mo pa rin ba ako napapatawad?"
Ilang sandaling hindi siya nakasagot dahil alam niyang kapag ginagawa niya iyon ay basag na boses ang ilalabas ng bibig niya.
Naalala niya ang masasayang arw nila bilang pamilya. Magkasakit lang siya nang kaunti, hindi na makatulog at makakain sa pag-aalala ang mga ito.
Noong nag-aaral pa siya ng high school, paggising niya sa umaga ay nakahanada na ang lahat ng kakailanganin niya sa pagpasok sa eskuwelahan.
Nakapagluro na ng almusal ang papa niya, na-shine na ito ang mga sapatos niya at naiayos na nito sa bag niya ang mga gamit niya.
Gnon ito kamaasikaso sa kanya.
Tuwing guma-graduate siya nang may karangalan, peoud na ipinagsisigawan nito iyon sa lugar nila.
Kapag nagkakasakit ang mama niya, ang papa niya ang naglalaba ng mga damit nila.
Kapag linggo sabay-sabay silang nagsisimba at namamsyal. Siya lang ang pinapakain ng mga iro sa restaurant kapag kapos sila sa pera.
Marami pa siyang hindi malilimutang alaala kasama ang papa niya. Dahil dito kaya nangarap siya na magkaroon ng masayang pamilya balang-araw.
Pero gumuho ang lahat ng pangarap na iyon nang sirain nito ang pangako nito na hindi sila iiwan nito.
"Sa susynod na tumawag ka pa rito, hindi na kita kakausapin," aniya sa unti-unting nababasag na boses.
"Hindi na kita kilala kaya huwag mo na akong istorbohin."
Maxine, anak, makinig ka sana," pakiusap pa ein nito. Nanginginig ang boses nito sa pagmamakaawa.
"Wag mong ibababa ang telepono, please kausapin mo----"
Hindi na niya ito pinatapos sa sinasabi nito. Ibinababa niya ang awditibo sa katangan niyon.
Tumalikod siya sa nurse bago niya pinalaya ang luha sa kanyang mga mata.
Nag-rounds uli sina Maxine at Lucas. Tahimik lang siya habang ibinibigay niya ang IV push ni Mang Simon.
Gamot nito iyon na in-inject sa suwero nito. Hindi pa ito gaanong malakas pero hindi na ito kasinghina gaya ng dati.
"Kamusta na ho kayo,"Tay?" may ngiti sa mga labing tanong ni Lucas kay Mang Simon.
"Salamat sa Diyos at medyo ayos na," sagot nito sa mahinang boses. Nakahiga ito sa hospital bed at nakataas nang kaunti ang uluhan ng kama nito.
May nakakabit pang catheter at IV fluids dito. "Salamat sa tulong mo, Doctor Yoon.
Matagal na akong pabalik-balik sa hospital na ito at nakilala ko rin ang papa mo. Katulad ka rin niya, mabit at matulungin sa mga nangangailangan."
"Wag n'yo na hong isipin 'yon." Pinisil nito nang bahagya ang braso nito. "Ang mahalaga ho ay gumaling kayo at ma-enjoy n'yo ang buhay n'yo.
Hinihintay na ho kayo ng mga chicks n'yo sa labas," biro pa niya. "Wag mo ngang idamay sa pagiging babaero mo si 'Tay Simon," hindi nakatiis na sabad niya.
Ibinalik niya sa medicine tray ang syringe na ginagamit niya sa IV push. "Ulirang asawa at lolo si Tatay Simon.
Iyong mga kaya niyang gawin, hindi mo kaya, okay?" Ako na naman ang nakita mo," Umiling-iling si Lucas.
Nilagyan nito ng unan sa tagiliran si Mang Simon para hindi magkaroon ng bedsore ang matanda.
"Hindi ka ba nahihiya sa pasyente? It's improper to argue at apatient's bedside."
"Hay, naku, wala kayong poproblemahin sa akin," sabad ni Mang Simon. " Sa tagal ko na sa hospital a ito, parang anak na ang turing ko kay Doctor Kang."
"Ang pinakamasungit na intern sa hospital na ito," iling-iling na komento ni Lucas. "My malaking dahilan naman siya kung bakit," ani Mang Simon.
"Kung makikita ko lang ang dalawang mokong na babaerong nanloko sa kanya, ako mismo ang magsasabi sa kanila na napakalaki nilang tanga para lokohin nila si Doctor Maxine Kang."
Sinabi nito iyon habang nakatingin sa kanya.
Nag-init ang mukha niya. Parang nagkaroon ng bikig ang lalmunan niya at hindi siya makapagsalita.
"Pero kung makikilala mo lang ang totoong Doctor Maxine Kang, malalaman mo kung gaano kaganda ang personalidad ng binibining ito," pagpapatuloy ni Mang Simon.
"Siya ang tipo ng babaeng kung magmahal ay totoo at panghabang-buhay. Kaya ganoon na lang kung dibdibin niya ang kabiguan.
Mahirap ng makahanap ng babaeng kagaya niya sa panahong ito."
Tiningnan niya si Lucas. Tiyig na titig ito sa kanya.
Uoang iwasan ang tingin nito, inilipat niya sa suwero ang tingin at nagkunwari siyang nire-regulate iyon.
"Ano pa'ng hinihintay mo, Doctor Yoon?" mayamaya ay tanong ni Mang Simon. "Ano'ng hinihintau ko, 'Tay Simon?" ani Lucas.
"Umpisahan mo nang kilalanin ang magandang doctor na ito," sagot ng matanda. "Ikaw rin, baka maunahan ka ng iba."
Ang hula niya ay lalo siyang pinamulahan ng mukha sa sinabi ni Mang Simon.
"Magpahinga na kayo," pag-iwas niya sa paksa bago pa siya tuluyang matunaw sa pagkailang.
"Babalikan ko ho kayo mamaya," paalam ni Lucas. Tatalikod na rin sana ito paalis nang magsalita uli ang matanda.
"Nababasa ko sa mukha ninyo na pareho kayong may itinatagong galit sa mga puso n'yo."
Magkasabay pa silang natigilan ni Lucas at napatingin sa isa't isa. Nauna siyang nagbawi ng tingin.
Kinuha ni Mang Simon sa bedside table ang isang maliit na Bibliya. "Maraming klase ng sakit sa mundo.
Karamihan sa mga iyon ay nagagamot sa Hospital, pero marami rin ang hindi kayang gamutin dito.
May mga taong may taglay na sakit na dito lang mahahanap ang gamot." Binuklat nito ang Bibliya sa pahinang may nakaipit na rosaryo.
Hindi niya napigilan ang sarili na tingnan si Lucas.
Napansin niya ang biglang pagseseryoso nito habang nakatingin sa hawak na Bibliya at rosaryo ni Mang Simon.
End of Chapter Eight
BINABASA MO ANG
Hold My Hand, Cure My Heart
FanfictionHindi perfect pero smooth naman ang takbo ng buhay ni Maxine sa hospital na pinapasukan niya bilang intern. Then Dr. Lucas Yoon came. Laging nakasuot ito ng T-shirt at maong pants. Mahilig itong ngumuya ng chewing gum at makinig ng music sa iPod nit...