Sunset

931 47 2
                                    

WRITTEN BY:

bubbletush05



"Daddy! Simba po tayo. It's Sunday! Tapos punta na tayo sa beach house! Di ba ang sabi mo nun pupunta tayo dun sa bakasyon? Bakasyon ko na Dad!" bungad ng siyam na taong gulang na si Zion sa amang si Alden pagkadulog nito sa hapag upang mag-agahan.

"Kayo na lang ni Yaya or Lola ang magsimba, may tatapusin pa akong work." anito na hindi man lang tinapunan ng tingin ang anak.

"Daddy, ikaw ang gusto kong kasama! Tagal na po nating hindi nakakapagsimba ng magkasama e, di na rin tayo nakakapasyal. Sige na Dad!" ani Zion na tumayo pa upang lumapit sa ama.

"Dad, sige na. Please?! Please?!" pangungulit pa nito at sinabayan pa ng paghila-hila sa braso ng ama kaya di sinasadyang masagi ang tasang may kape dahilan upang matapunan ito.

"Anak ng..!? Sinabi ko na ngang ayoko e! Bat ba ang kulit kulit mong bata ka? Ayan! Tignan mong ginawa mo! Sa susunod, pag sinabi kong ayoko, wag mo na ko pipilitin! Naintindihan mo ba? Kapag minamalas ka nga naman talaga! Makalayas na nga lang!" singhal nito sa anak at pagkasabi nun ay walang lingon-likod nitong tinalikuran ang bata na natulala na lang sa pagkabigla.

Mga ilang minuto ring tulala ang bata ng makita ito ni Doña Amanda, ang ina ni Alden.

"Apo? Apo? Anong nangyari sayo Apo ko?" sabay yugyug sa bata.

"L-Lola.. Bakit po ganun si Daddy? Di po ba talaga niya ako mahal?!" mangiyak-ngiyak na tanong ng nito.

"Apo, huwag mong sabihin yan. Mahal ka ng Daddy mo. Nakita mo naman, nagtatrabaho syang mabuti para sayo, para maibigay lahat ng gusto mo at lahat ng pangangailangan mo. Madami lang sigurong problema si Daddy mo sa work." anang Doña upang mapatahan ang apo.

"Di naman yun ang kailangan ko Lola, ang kailangan ko, ang Daddy ko." ani Zion na umiiyak bago tumakbo paakyat sa kanyang kwarto.

*

"Anak, ano na naman bang ginawa mo sa anak mo?" bungad ng Doña pagkapasok sa opisina ng anak.

"Pagtatanggol niyo na naman yang apo niyo Ma. Kaya lumalaki ang ulo e." sagot nito sa ina na hindi man lang tumitingin.

"Ano bang ginawa sayo ng anak mo at ganyan ka magalit? Hanggang ngayon ba, sya pa rin ang sinisisi mo sa pagkawala ng asawa mo?" anang Doña.

"Ma, maya na tayo mag-usap, madami pa kong tatapusin e." si Alden, na nakadukdok pa rin sa trabahong nakalatag sa harapan nya.

"Ayan, dyan ka magaling! Puro trabaho! Imbes na magsimba e trabaho pa rin ang inaatupag mo!" sermon ng Donya sa anak.

"Ma naman! Napag-usapan na natin yan. Paulit-ulit ko na lang pinapaliwanag sa inyo." naiinip na sagot nito sa ina at nakahawak pa sa magkabilang sentido.

"Kahit ilang beses mo pang ipaliwanag yang katwiran mong bulok, hinding hindi ko yan maiintindihan! Sinasabi ko sayo, darating ang panahon na kakailanganin mo din ang Diyos at ang anak mo!" anang Donya at tinalikuran ang anak na iiling-iling na lang.

*

"D-Dad? S-sorry po kanina ha? Di ko po sinasadya." ani Zion nang nasa hapag na silang mag-ama habang kumakain ng hapunan. Silang dalawa lamang ang magkaharap dahil nasa isang charity event ang Donya at hindi pa nakakauwi.

"Ok. Bilisan mo nang kumain at matulog ka na pagkatapos." walang emosyon nyang sagot.

Pagkatapos nyang kumain ay tumayo na sya at iniwan mag-isa ang anak sa hapag. Dumiretso sya sa kwarto at nahiga. Di nya namalayang nakatulog sya.

AMACon 3: Oikos - ChildrenWhere stories live. Discover now