WRITTEN BY:
MayumiHabagat
December 24, 2016
Davao City
Minamahal kong RJ,
Hello nak, si Tatay Richard mo nga pala ito. Anak, kumusta ka na? Sana okay ka lang. Pasensiya ka na ha. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan 'to. Alam mo naman na mas magaling dito ang nanay mo. Pero umaasa ako na maiintindihan mo din kapag nabasa mo. Una sa lahat, gusto kitang batiin ng Happy Birthday. Oo nga pala. Bisperas ng Pasko ka ipinanganak. Lahat yata ng mga tao sa buong mundo ay sini-celebrate ang birthday mo. Anong handa mo ngayon, nak? Sana masaya ka kahit nasan ka man naroroon. Naalala ko lang 'nung ipinanganak ka ng nanay mo. Ang cute mong baby. Mabigat at malusog ka. Ang saya saya namin ng Nanay mo 'nung una ka naming makita.
"Sige, Maine. Ere mo pa. Konti nalang.", sabi ni Michelle kay Maine na kasalukuyan siyang tinutulungan sa kanyang panganganak.
"Aaaaaahhhhhhhhh....."
"Maine, sige pa. Konti nalang. Lalabas na ang anak natin.", sabi ng asawang si Richard sa kanya.
"Ha...ha...ha...aaaaahhhhhhh....."
Makalipas ang ilang segundo ay narinig na ang iyak ng isang batang lalake.
"Maine, lalaki ang anak mo."
Agad na tinabi ni Michelle kay Maine ang kanyang anak.
"Ang guwapong bata, Richard."
"Oo nga, Maine. Mana sa Tatay."
"Sus, parang hindi naman."
Naalala ko din 'nung panahon na nag celebrate ka ng first birthday mo. Ilang buwan din naming pinaghandaan 'yun ng Nanay mo. Hindi ko naman kasi kaya na bigyan ka ng bonggang party. Maliit lang naman kasi ang suweldo ko bilang construction worker. Tapos naglalaba lang naman ang Nanay Maine mo. Pero kahit ganun pa man ay nakapaghanda naman kami ng pansit, at pritong manok. At saka may cake din pala galing kay Ninang Michelle mo.
"Richard, tingnan mo si RJ oh. Ang saya saya niya kasama ng mga kaibigan niya.", sabi ni Maine sa asawang si Richard habang pinagmamasdan ang anak na si RJ sa 'di kalayuan.
"Oo nga, Maine. Alam mo, tingin ko magiging tropa niya ang mga 'yan paglaki niya."
"Pero sana magkaroon siya ng mga mabubuting kaibigan noh? Ayoko na mapariwara ang buhay ng anak natin."
"Wag kang mag alala. Mabait ang anak natin. Tingnan mo nga oh. Wala siyang nagiging kaaway sa mga kalaro niya. At saka nandito naman tayo para gabayan siya palagi."
"Oo nga, Richard. Tama ka."
Noong unang araw na pumasok ka sa eskuwelahan...gabi pa lang ay hindi na kami mapalagay ng Nanay mo. Excited kami kasi mag aaral ka na sa Kindergarten. Siyempre, binilhan ka namin ng uniporme, bag, gamit sa eskuwela, at sapatos. Isang taon din kaming nag ipon ng Nanay mo. Maaga kaming nagising kinabukasan. Hindi kami mapakali. Ang saya saya pa nga natin, 'di ba?
"RJ, nak...magpapakabait ka 'dun sa school mo ha.", paalala ni Maine sa anak.
"Opo, Nanay."
"At saka nak...lagi kang makikinig sa teacher mo...", paalala naman ng Tatay.
YOU ARE READING
AMACon 3: Oikos - Children
Fiksi PenggemarYou walk on all fours during the mornings, I carried you when you grew tired. I held your hand as you tried to walk and watched with pride as noon came and you took confident strides. Now it is evening, on all threes I walk, I wonder... Will you car...