Lumipas ang ilang araw na hindi pumapasok si Nico. Usap usapan sa buong eskwelahan ang pagkamatay umano ng kanyang kapatid na lalaki.
Kamakailan lang ay may napabalitang isang binatang pinatay sa may tabi ng simbahan. Mukhang holdap dahil nakipag agawan pa daw ang binata sa lalaki subalit may dala pala itong baril.
Wala namang akong cellphone kaya hindi ko siya matawagan o matext, kaya noong nagbalik ang klase ay agad akong nakiusap kay Jerald kung maaari bang makitext bilang may numero naman siya ni Nico.
Nung gabi ring iyon, nagpunta kami nila Je sa lamay ng kanyang kapatid.
Naupo ako sa tabi nya.
"Multiple gunshot. 8 to be exact. Napuruhan siya sa may dibdib. Dead on arrival na pagdating sa hospital." mahina nyang sabi ng hindi lumilingon sa akin.
Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagluha nya at damang dama ko ang sakit at kalungkutan na nararamdaman nya.
Parang gusto kong manakit. Gusto kong saktan ang taong gumawa nito sa pamilya nila. Sa kanya.
Kinukurot ang puso ko sa bawat luhang pumapatak sa mga mata nya.
"May sketch na sila ng suspect pero hindi naman nahuli. Bakit si kuya pa? Bakit ba hindi marunong tumigil ang mga adik na yan sa pamemerwisyo ng kapwa nila? Okay na kuhanin yung gamit eh! Pero yung patayin pa?!" sigaw nito.
Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano nga ba ang alam ng mura kong kaisipan pagdating sa problemang hinaharap ng lipunan tungkol sa droga?
Naalala ko ang demonyo. Ang mga mata nyang nanlilisik sa bawat hithit ng ipinagbabawal na droga. Ang ngising nakakapangilabot sa tuwing eepekto ang tama ng shabu. Demonyo nga talaga.
Hinila ko siya papalapit sa akin at hinayaang umiyak sa aking bisig. Ito lang kasi ang kaya kong gawin para sa kanya sa mga oras na ito.
Ano ba naman ang magagawa ng isang labing tatlong taong gulang na batang kagaya ko?
***
Nailibing na ang kapatid ni Nico at unti unti ng bumabalik sa normal ang lahat. Nakakangiti ngiti na rin siya at bumabalik na rn ang kanyang sigla.
Ang suspect sa pagpatay ng kanyang kapatid ay pinaghahanap pa rin kaya medyo abala ang kanyang pamilya.
"Chard!" tumatakbong nakangiti si Nico papalapit sa akin.
Medyo masakit ang ulo ko gawa ng wala ako halos tulog. Tinutulungan ko mag tinda ang nanay at tatay sa simbahan lalo na ngayo'y umpisa na ng simbang gabi at talaga namang malakas ang bentahan doon ngayon. Pero sa tuwing makikita ko ang ngiti sa kanyang mga labi eh talagang parang nawawala lahat ng masakit. Napailing nalang ako.
"Uyy ano ba yon?" tumabi ito sa akin at ipinalupot ang kanyang kamay sa aking braso saka inabot ang isang folder.
"Ano to?"
"Basta!!!" halatang halata ang kanyang galak. Binuksan ko ito at binasa ang laman.
Halos manlaki ang mata ko at mailuwa ko ang puso ko.
Kung hindi nyo naitatanong, at mukhang hindi ko rin nabanggit sa inyo na pinilit nya akong mag audition para sa kakanta sa year end party namin. At ang hawak kong papel ang nagsasabing ako ang napili.
"Congratulations!!!"
Magsasalita pa sana ako ng bigla nya akong hinalikan sa pisngi na siyang naging dahilan ng panandaliang paghinto ng paggawa ng utak ko.
YOU ARE READING
AMACon 3: Oikos - Children
FanficYou walk on all fours during the mornings, I carried you when you grew tired. I held your hand as you tried to walk and watched with pride as noon came and you took confident strides. Now it is evening, on all threes I walk, I wonder... Will you car...