Shore Secrets - Waking Dreams

240 26 5
                                    

"Huy Tope! Tope! Bangon!"

Naalimpungatan si Kris sa panggigising ng Ina.

"Yung kaibigan mo, binabangungot yata."

Pinuntahan niya sa kwarto ang kaibigan.

Tulog pa rin ito ngunit tila lumalangoy ang kampay ng mga kamay.

"Maghahanda ako ng kape sa kusina para sainyo ha" bilin sa kanya ng ina bago siya iniwan.

"Alden!" Niyugyog niya ang sa balikat nito. "Pare, gising!"

Humahangos na bumangon si Alden.

"Nakita ko na si Nidora, bro!"

"Congrats! Ilang buwan ka na ring nalulunod sa panaginip kakahanap sa kanya. Kumusta? Ano itsura? Maganda ba?"

"Hindi! Nakita ko na siya! Siya yung babae sa dagat kahapon!"

"Gusto mo bang malasin hanggang apo sa tuhod mo?! Sabi ko sa'yo wag mong titingnan diba??"

Nabigla si Alden sa puwersa ng boses ng kaibigan.

"Anong nakita mo?"

"Ha?"

"May nakita ka bang ano... yung ano..." Kris awkwardly gestures to the lower part of his body.

"Kris, loko ka ba? Pano ko naman makikita legs nun e hindi naman naglalakad sa tubig yung tao."

Napapikit na lang sa Kris sa relief.

"Isang beses mo pa lang nakikita yung tao, nagwe-wet dreams ka na. Feeling ko, nagpo-project ka lang. Sa kasilyas ka maglabas nyan, bro. Letse ka, pinag-alala mo pa Nanay ko."

"Sira! May wet dreams bang nalulunod at namamatay sa ending?"

"Malay ko ba sa'yo. Ah tigilan na nga natin to, may pa-almusal si Nanay sa kusina, tara?"

Sinundan niya ang kaibigan sa kusina ng bahay kung saan sinalubong sila ng Nanay ni Tope ng mainit na kape at pandesal.

"Oh Tope, Alden, hijo, mabuti naman at bumangon na kayo. Maayos ba ang pakiramdam mo Alden?"

"Ay, Nay, okay na po. Normal na po sa'kin bangungutin, di'ba Kris? Pasensya nap o at napag-alala ko kayo."

"Madalas ka bang dalawin ng masamang panaginip? Naku, iba na yan. Gusto mo bang magpatingin sa mga manggagamot namin dito sa isla? Baka may nangkukulam sa'yo."

Siniko s'ya ng kaibigan at tinanguan.

Napa-iling si Alden.

"Hindi kasi Nay naniniwala tong city boy na to sa mga kulam-kulam."

"Sige na, hijo, subukan mo lang. Wala namang mawawala."

Bilang respeto na lang sa ina ng kaibigan, pumayag si Alden.

"Mamaya, anak, ihatid mo sa dulo ng isla itong kaibigan mo. Magdala ka ng itlog, sabihin mo sa mga lola isusunod ko na lang ang mga gulay pag naka-ani na tayo."

"Bilisan mo, bro habang taob pa ang dagat. Mamumulot ako ng driftwood para may pang-bonfire tayo mamaya. Astig yun!"

Oh well, when in Rome...

And then he saw her again.

Nidora.

AMACon 3: Oikos - ChildrenWhere stories live. Discover now