WRITTEN BY:
beebraver
"Nidora!" Tumatakbo siyang lumusong sa malalakas na hampas ng alon. Gabi noon at walang buwan. Walang ring mga bituing magliliwanag ng nilalanguyan. "Nidora!"
Nilinga-linga niya ang paligid ngunit kahit ang mga ilaw sa kabahayan ng dalampasigan ay hindi na niya maaninag. Kahit ang dalusong ng alon patungong pampang ay hindi niya na rin makapa.
"Nidoraaa!" pagtawag niyang muli. "Mahal, naririnig mo ba ako?"
Maligamgam ang tubig ngunit malamig ang hangin. Hindi niya na alam kung gaano na siya katagal lumalangoy. "Nidora!"
Hindi niya alintana ang limitasyon ng mahina niyang katawan, matagpuan lamang ang kanyang kasintahan.
"Anselmo..." isang mahinang alingawngaw ang narinig niya mula sa di kalayuan.
Ngunit kasabay nito ay ang pagpulipot na matatalim na halamang damo sa kanyang mga paa sabay hila sa kanya sa kailaliman.
Pagkatapos niyon, kawalan.
Ganito nagsimula ang lahat - sa isang bangungot. Isang paulit-ulit na bangungot ng kamatayan.
Alden woke up gasping for air. The burn in his lungs when he drowned in his dreams still feels real.
"Bro, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng roommate nyang si Kris.
"Napanaginipan ko na naman yung Nidora, bro." Tinapik-tapik niya ang dibdib habang naghahabol ng hininga.
"Aw, man! The drowning dreams are back? Ilang buwan na yan a", pag-aalala ng kaibigan. "Hindi kaya may nangkukulam sa'yo?"
"Gago ka ba? Magtu-2017 na naniniwala ka pa rin sa kulam. Kaya napaghahalata kang promdi e."
"Mas gago ka ba? Promdi ka rin e! Mas malapit nga lang sa Maynila ang probinsya nyo."
Kris hands him a bottle of water as he tries to regain his breath back.
"Totoo ang mga kulam uy! May ganun kaya sa amin."
"Small town." He accepts the proffered bottle of water and takes a big gulp.
"Basta pag ikaw nakasagi ng mangkukulam pagpunta mo dun huwag kang hihingi ng tulong sa'kin."
"Oo nga pala, kailan tayo aalis?"
"Sure ka na, bro? Walang signal dun. Walang bundok na pwedeng akyatin. Tsaka may mga mangkukulam."
"Tingan mo to. Mag-aaya tapos ayaw naman akong papuntahin. Brother ka talaga."
"E kasi akala ko di mo tatanggapin e."
"Wala ng bawian! Laban tayo. Tsaka andaya naman ikaw nakapunta na sa amin ng maraming beses; ngayon nga lang ako makakapunta sainyo."
Napangiwi si Kris. "Oo na nga. Sasabihan ko sila Mama na magdadala ako ng ugok na hilaw. Baka sa katapusan na para sembreak tapos tapos na rin ang fiesta sa amin."
"Pakyu; ayaw mo kong pakainin sa piyesta n'yo."
"Pakyu ka rin, walang kainan sa fiesta ng San Simoun. Lunuran meron."
Alden throws the bottle of water at his friend's head.
"Totoo kasi yun." He throws the bottle back. "May pasok pa nga pala ako. Wag ka ng matulog para hindi ka na bangungutin."
The thing about his recurring nightmares of drowning is that it did not start a few months ago like his roommate believes. He's been getting them since he was kid. It's the primary reason why he learned swim competitively. It's why he's taken up so many water sports even though he's more interested in climbing mountains. He refuses to be conquered by this nightmare.
YOU ARE READING
AMACon 3: Oikos - Children
FanfictionYou walk on all fours during the mornings, I carried you when you grew tired. I held your hand as you tried to walk and watched with pride as noon came and you took confident strides. Now it is evening, on all threes I walk, I wonder... Will you car...