May tatlong klase ng lihim.
Una, yung ikaw lang ang nakakaalam.
Pangalawa, yung kelangan mo ng dalawang kasama. Isa para pagsabihan at isa para paglihiman.
At ang pangatlo, yung alam ng lahat pero walang maglakas loob para sabihin ng malakas kasi alam mong hindi mo lihim ito.
Nang makasalubong niya sa labas ng bahay ng mga Lola ang lalaking nakita niya sa bangka, si Irog, naisip ni Divina na ah, ito yun, ang unang klase ng lihim.
Hindi niya sinabi kahit kanino na nakilala niya na ang taong 'papatayin' niya. Hindi niya din alam kung bakit sagad sa buto ang pagkasigurado niya na ang Tisoy nga na ito sa harap niya ay si Irog. Pero hayan na nga, ang unang lihim niya.
"Nidora?" bati nito sa kanya
"Divina." Pagtatama ni Tope. "Divina, kaibigan ko, si Alden."
Ngumiti siya sa naiilang na binata na may dalang basket ng itlog.
"Ah..."
"Sabi ni Inay, dadalhan niya daw kayo ng mga gulay sa anihan."
"Andami namang itlog yan, Tope. Sobra pa. Magpapahilot ba kayong dalawa o may ikokonsulta...?"
"Magpapagamot tong kaibigan ko. Binabangungot palagi eh."
Tiningnan niya ulit si Tisoy. "Nidora?"
"Pangalan yun sa panaginip nya" sagot ni Tope.
Si Tisoy nakatingin lang sa kanya.
"Divina!" ang Lola Tinidora niya, nakadungaw sa kanila sa bintana, "papasukin mo na sila sa loob, wag mo silang hinharang sa d'yan labas."
Ngiti ang isinagot niya kina Tope. "Narinig n'yo si Lola, pumasok na kayo."
Hinihilang pinaglakad ni Tope ang kasama papasok ng kubo nila.
Nagpunta siya sa dalampasigan sa bakuran nila.
Alam niya na kung anong mangyayari sa loob. Dadasalan ang dalawang itlog, isa susunugin, isa ipapakain ng hilaw. Tapos ilang linggong puro itlog na naman ang almusal nila. Hay...
May tumabi sa pagkakaupo niya sa buhanginan.
"Ang pogi ng Irog mo, no?" Ang Lola Isadora.
"Alam n'yo po?"
"Ako pa ba? Apo, wala kang maililihim sa mga Lola."
Ah, okay. Hindi pala unang klase ng lihim yung kanina, pangalawa pala.
"Malas n'ya lang Lola, mapapatay ko s'ya."
"Anong malas ka dyan? Lahat naman ng tao, mamatay. Mapapa-aga nga lang yung sa kanya ahahaha"
"Lola naman e..."
"Bakit, totoo naman? Pero apo, hindi ko gusto na ganyan ang pagtingin mo sa buhay. Ang umibig ay hindi malas. Lahat ng pag-ibig sa mundo ay nagmula kay Bathala kaya pano naging malas yun?" Kumuha ng patpat ang Lola niya at nagsulat sa buhangin. DU + TP. Saka ipinaloob sa ginuhit na puso. "Ang bawat pag-ibig ay pagpapala. Tandaan mo yan."
"Swerte nya kasi mag-iibigan kami pero malas sya kasi mamatay siya ng maaga, okay na Lola?"
"Hay, ewan ko sa'yong bata ka. Dyan ka na nga, lalabas na ang irog mo. Huwag kang magmasungit, kukurutin kita sa singit."
Pinagpag ng Lola Dora ang kanyang palda at iniwan siyang mag-isa.
Maya-maya pa ay lumabas na nga sa bahay si Tisoy.
Nakita sya nito at lumapit.
"Kumusta? Nahanap mo na si Nidora?" bati niya dito.
"Feeling ko nahanap ko na. Pero hindi ko pa rin alam kung sino siya."
"Sana tinanong mo sa mga Lola habang nagpapagamot ka. Hindi ba nasabi ni Tope? Nagbabasa rin ng kapalaran ang mga Lola ko."
Tumabi ito sa kanya at napansin ang nakaguhit na mga letra sa buhangin.
"Ano to? Sino to?"
"Divina Ursula at Teodoro Pelais" sabi niya habang tine-trace ang korteng pusong nakapaligid dito.
"Boyfriend mo?"
"AYSUSGINOO!" Sinabuyan nya ito ng buhangin. "Magulang ko yan! Diosmio! Maine talaga ang pangalan ko pero sabi nila, sobrang kamukha ko daw si Nanay tapos nag-uulyanin na rin ang mga Lola kaya akala siguro nila ako ang Nanay. Ayun, kaya akala rin ng lahat ng tao dito Divina ang pangalan ko."
"Wait- Teodoro Pelais? As Ayala-Pelais-Zobel?! Aboitiz-Pelais, Inc.?! Teodoro Smash???"
"Bro? Ba't mo ginugulo si Divina?!" Dumating si Tope.
"Kris, tatay niya si Teodoro Smash!" baling nito sa kaibigan, "Anak siya ni Teodoro Smash!"
"Oo, anak nga ako ni Teodoro Smash. Aong problema mo sa Tatay ko?"
"Why aren't you at some ivy league school? Why aren't you traveling the world with your dad? Anong ginagawa mo dito?"
"Andito ang mga Lola ko. Sapat na ang San Simoun sa akin."
Tumango tango si Kris. "Oo nga pala, nakalimutan ko, isa sa mga pinakamayamang businessman ng Pilipinas nga pala ang tatay mo, Divina."
"How could you forget a fact like that?!"
"Simple lang," sagot niya, "kung alam ng buong bayan na mga 'mangkukulam' ang nagpalaki sa'yo, makakalimutan mo ring si Teodoro Smash ang Tatay ko."
May unaawang nangusap ang tinginan nila ni Tope.
Ang pangatlong uri ng lihim, ang lihim na alam ng lahat ngunit walang may lakas ng loob banggitin ng malakas sapagkat hindi mo nila ito pag-aari-
Walang nakakaalala na anak siya ng isa sa pinakamayang negosyante ng bansa dahil hindi nila makalimutan na una sa lahat, anak din siya ng isang sirena.
Ito ang lihim na alam ng buong San Simoun.
YOU ARE READING
AMACon 3: Oikos - Children
ФанфикYou walk on all fours during the mornings, I carried you when you grew tired. I held your hand as you tried to walk and watched with pride as noon came and you took confident strides. Now it is evening, on all threes I walk, I wonder... Will you car...