WRITTEN BY:
mariapengwa
Ayan na siya! Ayan na siya! Ang ganda ganda nya talaga. Yung batang babae na anak ng bago naming kapitbahay, ang ganda ganda nya!
Nakakatuwa kasi yung kulot sa dulo ng kanyang nangingintab na buhok, tumatalon talon habang siya any tumatakbo papunta sa papa nya.
Pasilip silip ako sa aming bintana.
Ang ganda nya. Yan nalang ang tanging nasabi ko dahil napilitan akong magtago sa ilalim ng kama ng mama ko.
Dumating na ang kulaog! Nanginginig nanaman ang mga tuhod ko.
Rosario!!! Hinahanap nanaman nya ang nanay. Ano nanaman kaya ang kailangan nya?
BLAG! Nanginginig ako. Sinasaktan nanaman nya ang nanay. Napaka walang hiya nya talaga.
Halos tumilapon ang pinto sa lakas ng pagkakatulak nya. Ako naman ang napagbuntunan nya.
Hinila nya ang aking punit na damit, dahilan upang lalo pa itong mapunit at tinulak palabas ng pinto.
Bilihan mo ako ang alak at sigarilyo doon sa kabilang kanto! Pinunasan ko ang aking luha at sipon gamit ang likod ng aking kamay at marahang naglakad palabas.
Nadaanan ko ang nanay na umiiyak sa tabi ng kalan. Duguan at nangingig. Naghalo halo na ang dugo sa labi, ang kanyang laway at sipon na dinagdagan pa ng kanyang walang tigil na luha.
Nilapitan ko siya upang iabot ang isang panyo.
Mama.
Tulak. Wag mo kong kausapin!
Mama.
Tulak. Mas malakas. Mas masakit. Sinabi ng wag mo kong kausapin! Lumayas ka sa harapan ko!
Lumabas ako ng aming bahay at bumili ng alak at sigarilyo.
Umiiyak at nanginginig.
Nang gabing iyon, natulog ako sa may ibaba ng sofa. Ang demonyong hukluban ay muling natulog sa tabi ng aking ina.
Ginamit. Sinaktan. Ginamit ulit hanggang mapagsawaan.
Eto ang kwento ng araw araw ko.
Tuwing gabi, darating na lasing ang demonyong hukluban na kinakasama ng nanay ko. Mag aaway sila, uutusan ako at gagamitin nya ang nanay.
Sa murang edad kong ito, marami rami na rin akong nasaksihang mga bagay na hindi pa nararapat malaman ng mga kagaya kong musmos.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ng demonyong huklubang iyon sa nanay ko tuwing gabi na dahilan ng kanyang pag ungol at pagmamakaawa. Pero hindi yong pagmamakaawang nahihirapan. Iyon bang... nasasarapan?
Pasensya na kayo at hindi ko maipaliwanag ang mga bagay na aking nakikita sa tuwing sasapit ang dis-oras ng gabi at magsisimula ang demonyo sa kanyang nakakapandiring ritwal sa aking ina.
Maraming tanong ang bumabagabag sa aking murang isipan, hindi ko na nga lang rin ito masyadong pinapansin dahil nagsawa nalang rin akong pagtuunan ng oras ito.
Ang demonyong hukluban na tinutukoy ko ay ang tatay ko. Isa siyang construction worker.
Apat na taong gulang palang po ako noong... maagang namulat ang aking kaisipan sa kalakaran ng skwater na ito. Alam ko na may hinihithit ang tatay ko. Kulay puti na iniinit nya sa parang kulay pilak na papel ang lagi kong nakikita.
YOU ARE READING
AMACon 3: Oikos - Children
FanficYou walk on all fours during the mornings, I carried you when you grew tired. I held your hand as you tried to walk and watched with pride as noon came and you took confident strides. Now it is evening, on all threes I walk, I wonder... Will you car...