Minsan, pag parating inuulit-ulit ang isang salita, nawawalan ito ng kahulugan.
Ang paulit-ulit na pagbati ng 'hello' sa telepono kahit na ang ibig nilang sabihin ay 'sino ka?'. Ang paulit-ulit na 'Okay, ingat' na pamamaalam na ang kahulugan talaga ay 'ay, aalis ka na'. Ang paulit-ulit na pambungad na 'kumusta?' kahit hindi naman talaga nangangamusta. 'Sorry', 'I love you', 'promise'. Nagagasgas ang mga salita. Nawawalan ng kahulugan.
Sa kaso ni Divina, ito yung 'next time na lang, anak; busy ako e' ng daddy nya pag tinatanong nya kung kelan ito dadalaw ng San Simoun. Mauuna pa yatang matuyo ang dagat kesa dumating ang next time ng daddy nya.
Ito yung 'yan yung apo ng mga bruha sa kabilang isla' ng mga kabataan sa bayan pag daraan sya. Mga kabataan lang, kasi alam na ng mga matatanda. Lumang tsismis na sa kanila yan.
Ito yung 'papatayin mo ang lalaking iniirog mo' ng mga Lola nya. Bata pa lang sya, lagi nya ng naririnig ang tagna na yan. Sa baraha, sa pagbasa ng palad, sa tubig, sa kandila, sa itlog, basta lahat na.
Nung bata pa siya, madali lang isipin na 'e di hindi na lang ako mai-inlove para hindi ako makapatay' na kinalaunan naging 'siguro masama siya kaya baka deserve niya lang yun'. Ngayon tuwing lumalabas ang hula ng mga Lola na yun, wala na lang sa kanya. Hindi na siya nag-aalala sa kung sinumang lalaki ang mamalasing maging pag-ibig nya. Saka na, pag dumating na. Kung dadating pa.
Hanggang sa dumating si Lola Isadora.
May pinagpalang kamay at mata din ang kanyang Lola Isadora kaya naman hindi na siya nagulat nang mamuti ang mga mata nito nang magmano siya pagdating sa bahay. Ngunit imbes na bagong version ng 'papatayin mo ang lalaking iniirog mo' ang sabihin nito, bagong hula ang tinuran niya.
"Parating na siya. Ang irog mo."
Anak ng tilapia lang, ano?
Perwisyo sa buhay! Imbes na walang iniisip e.
Hindi eksakto yung 'parating na' ng Lola Isadora niya kaya para safe, lumalangoy siya araw-araw sa gitna ng dagat para kung may bagong salta man sa San Simoun, hindi niya makasalubong.
Ang kaso, mali yata ang tantya niya. medyo parang nakita niya pa rin si Irog nakasakay ng banka.
Bwiset, ang gwapo.
YOU ARE READING
AMACon 3: Oikos - Children
FanfictionYou walk on all fours during the mornings, I carried you when you grew tired. I held your hand as you tried to walk and watched with pride as noon came and you took confident strides. Now it is evening, on all threes I walk, I wonder... Will you car...