Padre De Familia

692 50 9
                                    

WRITTEN BY:

umagangkaykilig



Alas-otso pa lang ng umaga pero ang init-init na at hanggang kabilang kanto na ang pila dito sa SSS branch sa bayan. Sinasabi ko na nga ba, dapat alas-sais pa lang, pumila na ko. Buong araw na naman ako dito. Kung di ko lang kailangang kailangan ang loan na ito. Malala na kasi ang TB ni Tatay. Limang taon na nya itong iniinda, and every second counts. Mahaba pa ang pasensya ko pero ang savings ko, walang wala na.

After 48 years, or mga 30 minutes, nakapasok na rin ako sa loob, and voila! May pila ulit. Jusko limang mahahabang rows ng upuan pa ang paisa-isang aangatan ng pwet ko. And since madadaanan ng pila ang kuhanan ng forms, kumuha na ako ng salary loan application. Sabi ko nga, dapat nag-download na lang ako.

Habang di pa umuusad ang pila, nag-fill out muna ako ng form sa counter table na katabi ko, nang may tumawag sa pangalan ko at galing sa boses na hindi pwedeng ipagkaila.

"Maine!"

Magaling. Sa dinami-dami ng pagkakataon, ng araw at ng lugar na pwede kaming magkita ulit ng ex ko, ito, ngayon pang tagaktak ang pawis ko, hulas ang face powder ko, at buhaghag ang buhok ko, at walang iba kundi dito sa SSS Sta. Maria. Ang romantic no?

Tuloy lang, kunwari wala akong narinig.

"Maine!"

Susko. Wala na. Hindi ko naman pwedeng i-ignore dahil sa likod ko lang nanggaling ang boses. Ito na, lilingon na. Am I prepared?

"Dito ka na."

---

Sya si RJ, high school classmate ko. Madalas kaming i-partner sa lab activities, minsan bilang muse at escort. Gwapo naman kasi sya. Tisoy, matangos ang ilong, may malalim na dimple sa kaliwang pisngi. Filipino-American kasi ang tatay nya, kaya lutang na lutang ang kagwapuhan nya sa class. Ako? Ewan. Wala na kasing ibang mapiling muse.

Kami yung laging pinapadala kapag may school pageants, so magkasama kami kapag may rehearsals. Halos everyday, may reason para magkasama kami. Hanggang sa di na kami sanay nang wala ang isa't isa. Madalas kaming napapag-isipang magjowa, pero hindi. Ayaw kong i-confirm. Baka patayin ako ng Tatay ko. Para sa kanya, baby pa ako. Hindi nya alam, talk of the campus na kami. As in wala siyang idea. Ang bigat, di ba? Sige, masasabi kong mag-MU kami. "What you see is what you get," ganun.

Two months before graduation, nagpaalam ako sa Tatay ko na may "group project" sa bahay nila. Ang totoo, gusto ko lang tumambay sa kanila. Wala lang. Miss ko sya, eh. Yes, isa akong mapusok na kabataan. Kahit may bagyo nun, I insisted na payagan ako kasi "required", pero ayaw talaga ni Tatay. Eh di tinakasan ko sya.

Pagdating ko dun, wala pala ang parents nya at sya lang mag-isa sa bahay. Wala naman kaming ginawa kundi tambay-tambay, nood ng movie. Uuwi naman dapat ako ng 5pm kaso bumuhos na ang malakas na ulan nang tuloy-tuloy. Tinext ko si Tatay na stranded kami ng classmates ko at dun na kami magpapalipas ng ulan. Strict sya pero gullible din eh.

Promise, kahit mga 8pm na at lagpas na sa curfew ko, pinlano ko talaga umuwi. Pero ang lakas pa rin ng ulan at baha na sa dadaanan ko. Stranded din ang mga magulang nya sa traffic.

"Gutom ka na ba?" tanong ni RJ.

"Gusto ko nang umuwi." Sumisimangot na ako, paiyak na.

Niyakap nya ako para i-comfort. "Sssh. Titila rin yan. Ihahatid kita sa inyo."

AMACon 3: Oikos - ChildrenWhere stories live. Discover now