Chapter 17

24K 333 25
                                    


Warning : Typo errors . ✌✌✌
__________

" Mahal kita Alveena , simula noon hanggang ngayon . "

Napatulala na lang ako sa sinabi niya .
Mahal niya ako ?

Alam ko naman yun dahil hindi naman ako manhid para hindi maramdaman kung gaano ako kaimportante sa kanya .
Para na kaming magkapatid , since wala naman kaming mga kapatid pareho .
Nagiisang anak lang kami .
Sa tagal namin na magkaibigan ngayon ko lang siya natitigan .
Nagmumukhang nerd lang naman si kuya dahil sa makapal at malaki niyang salamin . At Medyo mahaba na rin kasi ang tubo ng kanyang buhok .
Alam kong gwapo si kuya dahil ang liit ng mga mata niya na sa sobrang liit eh nawawala kapag ngumingiti siya o tumatawa . Matangkad ,
Matangos ang ilong , mapupulang labi at sobrang kinis niya din . Mabait , masipag ,maalaga at maaalalahanin . Napakagwapo niya inside and out . At hindi lang siya basta gwapo dahil matalino din siya . Sa katunayan nga sa nalalapit namin na graduation siya ang aming class valedictorian . Bakit ba hindi nlang ako sa kanya nagkagusto . Haha ! Erase ! Erase ! Hindi pwede dahil magbestfriend kami at kapatid na ang turingan namin . ^_^

" Alveena ? "

" Ku-kuya ? "

" Sabi ko mahal kita matagal na . "

Nginitian ko lang siya , tapos nahiga ulit ako sa lap niya .

"Alam ko namang mahal mo ako . "

" A-alam mo ? " mautal utal niyang sagot .Haha ! Bakit ba siya nauutal ? Kinakabahan ? Hahahaha !

" Oo naman kuya . Para na akong nakababatang kapatid mo noh kaya alam kong mahal mo ako . Hahahaha ! And thank you for loving me . Iloveyou too kuya . "

Naramdaman kong bumuntong hininga siya .
Bakit kaya ? May nasabi ba akong mali ?

" Sabi ko naman sayo , tigilan mo na ang pagtawag sakin ng kuya , magkasing edad lang tayo alveena . "

" Oo nga magkasingedad tayo pero mas matangkad ka sakin kaya tinatawag kitang kuya.  Nakasanayan ko na yun kaya hindi mo na mababago yun . Hehe ."

Ginulo niya ang buhok ko tapos tumingin ako sa kanya . Nginitian niya lang ako , yung ngiti na hindi mo alam kung masaya ba talaga siya .

________

" Alveena ano na naman ba yan ? Magbibigay ka na naman ng chocolates kay kyle ? "

" Oo . "

" Kahit may girlfriend na yung tao ? "

" Yup . At wala akong pakeelam kahit may girlfriend pa siya . "

" Naaaning ka na . Pahingi nga ako . "

" Wag ! "

Inaagaw ko sa kanya yung chocolate pero ayaw niya ibigay kaya nahampas ko siya ng sobrang lakas .

" Aray ! "

Tiningnan niya lang ako .
Yung tingin na nagsasabi na ang sakit ng ginawa ko .

Hala ! Hindi ko naman sinasadya . Nabigla lang ako .

"  Bakit ka nanghahampas !? "

" Hindi naman kasi sayo yan , kay kyle nga yan diba ? "

" Bakit kailangan mo nga manghampas ? "

" Kasi nga para sa kanya yan , tapos kukuhaan mo . "

Nakayuko kong sagot kay kuya .
Nakatingin lang siya sakin , nagulat ako nang kunin niya ang dalawang kamay ko at padabog na ibinigay sakin yung isang pirasong chocolate .

" Oh ayan ! Isaksak mo dun sa puso ng taong kahit kailan hindi ka naman pinansin .

Alveena Bestfriend moko , siya schoolmate mo lang .

Oo alam kong Mahal mo siya ?

Pero mas nauna mo akong minahal sa kanya , dahil mas nauna tayong nagkakilala .

Ako yung laging nandito para sayo ,

kasama mo ,

nakikinig sayo sa lahat ng sasabihin mo ,

iniiyakan mo kapag nasasaktan ka nang lalaking yun ,

tapos isang pirasong chocolate lang ang hinihingi ko sayo ipinagdadamot mo sakin ng dahil sa pesteng kyle na yan , yang kyle na yan na kahit kailan hindi nasuklian yang pagmamahal mo . Yang kyle na yan na kahit anong gawin mo , hinding hindi ka naman papansinin dahil wala ka lang sa kanya Bakit ba hindi mo maintindihan yun !!!!!!!!!??????  "

'PAK'

Nagunahan sa pagbagsak ang mga luha ko . Masakit man pero totoo lahat ang sinabi ni kuya .

Napatingin ako sa kamay niya na nasa pisngi niya .

Sa kauna-unahang pagkakataon nakita kong umiyak si  kuya Andrei .

" At nang.. dahil sa kanya.sinampal moko ? ...magsama kayong dalawa .. "

" ku-kuya, sorry . "

Pero hindi niya ako pinakinggan , tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at iniwan niya ako dito sa grocery store .

___________

Hindi na kami nagkita ni kuya after ng eksena sa grocery store .
At mukhang hindi rin pumasok si kuya dahil hindi ko siya nakita sa klase kanina .

Papunta ako sa pinagpaparkingan ng kotse ni kyle para ibigay tong mga chocolates .

At hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nakita ko naman kaagad ito .
Ipinatong ko ang isang box ng chocolates sa harap ng kotse niya at inipit ko din dun yung sulat na ginawa ko para sa kanya .

Nagtago ako at inantay na dumating si kyle .

Maya-maya nakita ko na siya at naexcite naman ako ng binuksan niya ang box at kinuha niya ang sulat .
Kaya lang may dumating na imbyerna kaya hindi natuloy ang pagbubuklat niya nung papel .

Si Charlotte ang girlfriend niya .

______________

UPDATED . ❤❤❤

Bukas po ulit . Hehe .

Sorry na mga babyloves kung maikli ang update . Hehe .

Napakahectic lang talaga ng schedule ng ateng niyo .

Bukas ulit . Magaupdate ako . :)
Last chapter ng flashback nina Andi at Alveena . :)
Antay lang ah .
I love you mga babyloves . 😘😘😘

READ/VOTE/COMMENT/FOLLOW

May dalawa pa po akong story Yung A LOVE CALLED US kumpleto na po siya tsaka yung TRACES OF LOVE ongoing naman po . :) Kapag may time po kayo pwede niyo po siyang basahin hindi po kayo magsisisi.

Browse lang po kayo sa works ko . :)

Love
queendyuusaaa

" Im Inlove with A Pervert Doctor "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon