ALVEENA'S POV
Napatayo ako nang makita ko si Alicia .
Inalalayan kagad ako ni Andi pero napaupo ulit ako .
" Alveena okay ka lang ba ? "
" A-andi ? I-iuwi mo na ako . "
Kunti nalang at babagsak na naman ang mga luha ko .
Agad na lumapit si alicia sakin at hinawakan ako sa kamay . Napatingin ako sa kanya .
" Bitiwan mo ako . "
Mahinahon kong sabi sa kanya .
" Ate magusap tayo . "
Tinabig ko ang kamay niya .
" Tang-ina mo ! Umalis ka sa harapan ko . "
Madiin kong sabi ." Andi tara na . "
Naitayo ako ni Andi at dinaanan lang namin siya .
Ang sunod na pumigil sakin ay si kyle .
" Alveena wag ka munang umalis , magusap muna tayo . Please . "
Pagtingin ko sa kanya ay tulad ko ay nangingilid na rin ang mga luha sa mga mata niya .
Nagunahan sa pagpatak ang mga luha ko .
Hinawakan ko ang kamay niya at marahan kong tinanggal ang isang kamay ko ..
" Ano pa bang gusto mo ? Kyle patahimikin mo na kami . Masaya na kami ni Andi . "
Wala na akong ibang maisip na sasabihin , kaya para makatakas sa sitwasyon nato yun na lamang ang tangi kong nasabi .
At tila hindi ata nauubos ang mga luha ko ..
Nakatingin lang siya sakin at umiiyak , gustuhin man niya magsalita pero hindi niya alam kung pano sisimulan lahat pagkatapos niyang marinig yung sinabi ko .
" Punyeta ate ! Nakikiusap ako sayo makipagusap ka muna sakin ..Hindi ko ginagawa to para kahit kanino kundi para sa sarili ko . Nakukunsensya nako ng sobra ate ayesha ! Nakita ko kung pano naging miserable yung buhay niya nung nawala ka .. Kaya please lang ate wag naman sa ganyang paraan mo tatapusin lahat ,pakinggan mo muna ako . Please . "
At lumuhod siya sa harapan ko na ikinagulat ko .
" Ate magusap tayo please . "
Nilapitan siya kagad ni Andi at itinayo .
Nagsimula akong maglakad patungo sa garden nila kyle .
Aktong susundan ako ni Andi .
" Andi dito ka nalang muna . Kaya ko na . "
Pagkatapos ay nginitian ko siya .Napagtanto ni Alicia kung anong ibig kong sabihin kaya sumunod siya sakin .
Nauuna akong maglakad sa kanya .
Aalalayan niya ako pero tinatabig ko yung kamay niya .
" Go ! Sabihin mo na kung ano yung gusto mong sabihin kasi wala akong panahon na magaksaya ng oras sayo . "
Bumuntong hininga muna siya bago tumingin muli sakin .
" Ate im sorry . Sorry for giving you heartaches . Alam ko kung gano kadami yung sakit na pinagdaanan mo nang dahil sa pagmamahal mo kay kyle
Pigilan ko man pero umiiyak na naman ako .
Walang tigil sa paggalaw si baby sa tiyan ko .
But believe me or not hindi ko ginusto to . Hindi ko alam na yung lalaking minahal mo at minahal ko ay iisa . Ate nung nalaman ni Andi na si Kyle yung sinasabi kong boyfriend ko , pinagsabihan niya ako na tigilan ko na si kyle at yun nga ang ginawa ko dahil ayokong makasakit ng ibang tao , lalong lalo na yung taong importante sa buhay ko . Mas importante ka sakin kaysa kay kyle . Di bale nang mawala siya wag lang yung mga taong nagparamdam sakin na espesyal ako .
Ate mali yung iniisip mo na hanggang ngayon may relasyon pa din kami ,dahil maling mali . Matagal na kaming wala , nasa new york palang kami nakikipaghiwalay na siya sakin pero lagi ko siyang tinatakot na magpapakamatay ako kaya hindi niya itinutuloy . Ate masyado akong nangulila sa pagmamahal ni Mommy kaya pakiramdam ko si kyle na lang ang meron ako . Pero simula nung dumating kayo nagbago lahat . Mas ayoko na kayong mawala . Ate im sorry sana mapatawad mo ako . Hindi ko talaga ginusto to ang masira kayong dalawa . At sana bigyan mo pa ng chance yung pagmamahalan niyong dalawa kasi alam mo ate sa totoo lang wala siyang ibang minahal kundi ikaw lang . Ikaw lang ate at wala ng iba . Ikaw ang buhay niya ate . Kaya gagawa ako ng paraan para maibalik kayo sa dati . "
BINABASA MO ANG
" Im Inlove with A Pervert Doctor "
RomanceNaranasan niyo na bang maospital ? Yung maoospital kayo tapos isang gabi magigising nalang kayo sa kamanyakan ng Doctor na nakatokang tumingin sa inyo . sounds creepy right ? pero sakin kasi hindi . ahahahaha ! Gagaling ka talaga agad kasi sobra...