Chapter 32

9.4K 195 16
                                    

[A/N]

Hi mga babyloves . Sorry kung slow update napakabusy kasi ng ateng niyo lagi . Aysss . Alam ko naman na naiintindihan niyo ako diba ? Thank you mga loves sa pagintindi . Mwa !

At dahil may nagrerequest ulit na magkaPOV ulit si Kyle . Sige pagbibigyan ko po kayo ulit . Hihi !

Suportahan niyo po ang story nato hanggang sa huli .
Lablab . Mwa ! Mwa !

____________________

KYLE'S POV

" Tama ba yung desisyon ko na magpakasal sayo ? Pano ako magtitiwala sayo kung sa mga simpleng bagay lang ay hindi mo kayang magsabi ng totoo ."

Natulala ako sa sinabi ni Alveena , hindi ko alam kung pano ko malulusutan to .
Sobrang mahal na mahal ko siya at ayoko nang mawala pa siya sakin .
Kaya naman pagkababa niya ng kotse ay bumaba din kagad ako .
Napakabilis maglakad ng babae na to .
At nang mahawakan ko siya sa braso iniharap ko siya sakin .

" Alveena ano ba ! Wag ka ngang parang bata ! "

Nakatitig lang siya sakin , maya-maya napansin kong naguunahan sa pagpatak yung mga luha niya which is hurting me inside .
I dont want to see her crying again because of me .

I hugged her .
Yung yakap na punong puno ng pagmamahal .

" Im sorry . Im sorry .

Hinalikan ko siya sa noo at dinampian ko din ng halik ang labi niya , at wala siyang pagtutol sa ginawa kong yun .
Tiningnan ko siya .

Bumalik na tayo sa kotse at sasabihin ko sayo kung paano ko nalaman na nasa Airport ka nung araw na yun . "

Tinabig niya ang kamay ko at nauna siyang pumunta sa kotse .

Pagkapasok ko sa kotse bumuntong hininga ako ng pagkalalim lalim .

Hinawakan ko ang mga kamay ni Alveena .

" Baby listen to me . "

Hindi niya pa rin akong nililingon .

" Baby ! "

" What !? Im listening , what else do you want ? "

Sigaw niya tapos inirapan niya ako .

" I want you to look at me . Now eyes on me baby ! "

" Ikaw na may kasalanan ikaw pa galit ! Wag na ! Bababa na ako ! "

Akmang bababa na siya nang higpitan ko ang mga hawak ko sa kamay niya para hindi siya makababa .

" Bitaw ! "

Ramdam ko na galit na siya . Lumalaki na kasi yung mga mata niya na parang gusto na niyang iluwa yung mga eyeballs niya .

" Baby palalakihin pa ba natin to ? "

" Then answer my question kyle ! As simple as that ! "

Kinakabahan na ako . Pano ko ba sasabihin na nakipagkita ako kay Alicia bago siya umalis . Kay alicia rin nanggaling na kasama si Alveena sa maghahatid sa kanya kaya grinab ko na yung chance na makita siya ulit .
Aaminin ko na ba lahat ? Pero ayokong sirain ang gabi na to . Mas lalong ayaw ko na masaktan yung babaeng abot kamay ko na .
Siya na yung buhay ko at ayokong mawala siya sakin .

" Alveena ka-kasi . " nauutal na ako ,hindi ako makaisip ng sasabihin ko .

" WHAT !? PANO MO NALAMAN NA NASA AIRPORT AKO NUNG ARAW NA NAGKITA TAYO !?? MATAGAL MO NA BA AKONG NAKIKITA!? PINAPASUNDAN MO BA AKO !? OR WORST MAY HINATID KA NA IBANG BABAE SA AIRPORT NA YUN !!!!

SO ANO !!!??? SAY IT KYLE !!!! "

" Naghired ako ng private investigator . Nung magkita kami ni Vanessa , sinabi niya sakin na may asawa ka na kaya wag na daw kita guluhin . Hindi ko matanggap na may asawa ka na kaya ipinahanap kita . Nalaman ko na hindi totong may asawa ka na . Then one day nagulat ako nang biglang iopen sakin ni mommy yung naging issue satin noon sa university . Tinanong ko siya kung bakit , at sinabi niya na nakita ka niya sa Ospital, sa sobrang gulat ko nagpanic ako kasi akala ko ikaw yung naospital .Si Mommy mo pala . "

Tiningnan ko siya .

At yung mga mata niya na nagsasabing " ituloy mo lang yung kwento " look .

Nadagdagan na naman yung mga kasinungalingan ko . Hanggang kailan ko ba itatago yung about samin ni Alicia .

Totoo naman talaga na inopen sakin ni mommy yung mga nangyari noon pero nung tinanong ko siya kung bakit ang isinagot niya lang sakin ay " Wala naman . "

Wala rin akong hinired na private investigator . Binigyan niya lang ako ng idea para makagawa ako ng kwento .

Im so sorry baby .

Kaya nandun din ako nung araw na ihahatid niyo si Alicia dahil bukod sa gusto na talaga kitang makita ay nakipagkita ako sa kanya para makausap siya bago siya umalis dahil gusto ko nang itigil ang meron samin .

Pero ayaw niya . Ang gusto niya antayin ko siya hanggang sa makabalik siya at tsaka daw ako magdesisyon ulit .

I never loved her .You're the only woman that I loved like this .

Kung ano man ang namagitan samin ng pinsan mo , its just a lust na akala niya ay pagmamahal kaya tumagal nang ganito .

Gustong gusto ko nang sabihin sayo lahat pero hindi ko kaya . Natatakot ako .

Napayuko na lang ako dahil hindi ko mapigilan yung mga luha kong kanina pa gustong kumawala .

Nagtataka na siguro siya kung bakit ako umiiyak .

" Wala namang nakakaiyak sa kwento mo , bakit ka umiiyak ? "

" Hindi ko kasi alam kung mapapatawad mo pa ako . "

" Hala siya . Hahahahahahaha ! "

Nung narinig ko yung tawa niya natanggal yung kaba sa dibdib ko .

" Kaya ko nalaman na nasa airport ka nung araw na yun dahil pinasundan ko kayo sa private investigator na nakakausap ko . "

This girl loved me so much , and she will always believe in me .

Iniangat niya ang ulo ko at hinalikan ako pero dampi lang naman .

" Mahal na mahal kita kaya lahat nang sasabihin mo paniniwalaan ko . Alam ko at nararamdaman ko na totoo ka sakin . Basta tatandaan mo na kahit ano pa yan sasabihin mo sakin , wag mong itatago kasi paniniwalaan at iintindihin kita palagi . Okay ? I love you baby . "

Nginitian niya ako na lalong nagpaluha sakin .
Wala na akong masabi kaya niyakap ko nalang siya . Ayoko nang magsinungaling pa .

"I love you too . "

Umalis siya sa pagkakayakap sakin dahil tumunog ang phone niya .

" Baby wait lang ah , kausapin ko lang si Mommy . "

Tumango nalang ako tapos lumabas na siya ng kotse .

5 minutes din ang itinagal niya sa labas .

Pagbalik niya .

" Baby tara na hatid mo na ako samin . "

" Bakit daw ? May nangyari ba ? "

" Nagiimpake na kasi sila , papalitan nila si Alicia sa New york . Sasama na rin si Daddy para makapagbonding ulit sila ni mommy . "

" Pa-palitan ? "

" Yes baby . Babalik na kasi next week si Alicia , and finally makikilala mo na rin siya . "

Sabi niya na may ngiti sa kanyang mga labi . Habang ako kinakabahan sa mga susunod na mangyayari .

____________________________

UPDATED . ❤

Last 8 chapters . Yehey ! Abang abang lang . I love you mga babyloves .
Mwa ! Mwa !

READ/VOTE/COMMENT/FOLLOW

" Im Inlove with A Pervert Doctor "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon