Chapter 39 (Part 2)

8.2K 184 35
                                    

Para sa inyong tatlo itong chapter na ito .. :)
Thank you sa pagbabasa . Sobrang nagustuhan ko po ang inyong comment . Labyu . 😘😘😘:)

121978r,

isay1914,

CzarlaineSam

___________________

6th Months Later ....

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha .

Nagunat lang ako ng kaunti ,pero kaunti lang naman kasi sabi nila bawal daw sa buntis ang naguunat . Haha ! Wala namang mawawala kung maniniwala ako sa kasabihan nila na yun .

Maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Andi .

"Good morning . Breakfast in bed . " nakangiting bati ni Andi sakin .

Nilapag niya yung maliit na table sa kama ko then tinulungan niya akong makaupo .
7 months na kasi yung tiyan ko kaya nahihirapan na akong bumangon minsan .

" Ang laki na ng tiyan mo . Nakakatuwa naman . "

" Ooh ! " gulat kong sabi at napahawak ako sa tiyan ko .

" Bakit ? " takang tanong ni Andi .

" Sumisipa siya . Hihi . Hawakan mo dali . "

Kinuha ko ang kamay ni Andi at nilagay sa tiyan ko at naramdaman kong sumipa ulit si baby .

" Hahahahahaha ! Oo nga . Ang likot likot niya Alveena . "

" Thank you daw kasi dinalhan mo kami ng brekafast . Hihi ! " 
Tinanggal ni Andi ang kamay niya sa tiyan ko at inayos yung table sa harapan ko .

" Kain kna kasi nagugutom na si baby , at pagkatapos mong kumain magbihis ka at pupunta tayo ng luneta para makapamasyal kayo ni baby . Okay ba yun ?  " Nakangiti niyang sabi .

" Okay na okay  . Hihi ! "

Tama kayo ng nabasa nandito na ulit ako sa pilipinas .Yung botique ko sa New York ay ipinagkatiwala ko muna sa secretray ko .
Mas pinili ko dito kasi nung nasa new york ako pakiramdam ko nagiisa lang ako . Kahit kasama ko si mommy pero parang hindi sapat, parang mas gusto ko pa din magstay dito kasi dito ako lumaki at nagkaisip kaya gusto ko dito ko din isisilang ang baby ko . Tsaka kumpleto pa kami nina mama at papa na nakasupport sa pagbubuntis ko . Nandito ako sa isa sa mga condo sa ayala . Tahimik at masaya kasama si Kuya Andrei.  Tuwang tuwa siya nang malaman na uuwi na ako nun dito dahil hindi ko kaya dun na ako lang at si mommy . Gusto kong nakikita ko silang lahat na nagmamahal sakin . Wala na akong balita kay Kyle ni sign nang paghahanap niya sakin hindi ko ramdam . At about naman kay Alicia hindi ko din alam kung ano nang nangyari sa kanya , after daw nung nangyari ang sabi ni Mommy ay umalis siya ng mansion . Wala na rin naman na akong pakielam sa kanila . Sinira ko ang sim ko , diniactivate ko ang lahat ng accounts ko para hindi nila malaman na nandito ako sa pilipinas . Kaya eto ako ngayon tahimik lang na nandito sa condo ko , at kuntento nako dito . Masaya na ako sa baby ko .

Pangatlong subo pa lang ang nagagawa ko  nang sumipa ulit si baby kaya naman napangiti ako ulit .

" Oh bakit nangiti ka na naman ? "

" Ang sarap kasi ng luto mo eh , nagustuhan ni baby kaya thank you tito Andi . "

Nakangiti kong sabi kay Andi .

" Welcome baby . "

Nagpatuloy ako sa pagkain . At nang matapos akong kumain ay iniwan na niya akong magisa sa kwarto at may gagawin lang daw siya saglit .

" Im Inlove with A Pervert Doctor "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon