Chapter 38

7.2K 151 18
                                    

Pigilan ang paghinga .
Ito na yun . Haha ! Hindi na talaga ako paasa. :)
Iloveyou guys . :)

__________________

Pabalik na ako ng mansion .
Naaalala kong may napulot din akong ganitong singsing sa kwarto ni Alicia .
Imposible talaga na malaglag ko to sa kwarto ni kyle kasi nung sinundo namin siya nun sa airport ay dumeretso kagad kami ng uwi nun .

Pagdating ko ng mansion ay dere deretso ako sa kwarto ko at kinalkal yung mga lagayan ng labahan kong damit . Hinanap ko yung sinuot kong pantalon nitong pagsundo namin kay alicia dalawang linggo na ang nakakalipas .

Hanap dito , hanap doon .

Gotcha !

Kinalkal ko ang bulsa at nakapa ko nga ang singsing dito .

At nang makuha ko magkaparehong magkapareho nga .
Pati yung nakaengrave parehong pareho din .

Hmmm .

Hindi nagkukwento sakin si Alicia . Mukhang magkakilala ata yung boyfriend niya at fiancee ko .

Baka naman ibang singsing yung tinutukoy ni Kyle na narinig ko kanina . Haha !

Pero bakit siya nagwoworry na baka makita ko ?

Lumabas ako ng kwarto at balak kong puntahan si Alicia sa kwarto niya .

Pagtapat ko sa pintuan niya eh nakaawang ito ng kaunti .

" Alicia ? "

Walang sumasagot .

" Alicia ? "

Wala ata siya kaya pumasok nalang ako .

Hala ! Bakit ang kalat dito ? Parang kinalkal lahat ng gamit .

Hanggang sa mapatingin ako sa kama , nagkalat ang mga gamit ni Alicia dito . Nilapitan ko ito para ayusin .

" Ay naku napakakalat talaga ng batang yun . "

Nilagay ko lahat sa bag niya ang mga gamit niya hanggang sa may makita akong picture .

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o siya talaga ang nakikita kong kasama ni Alicia sa picture .

Kinuha ko at tiningnan mabuti .

Parang nanginginig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung bakit .

Hahahahaha ! Naalala ko naging pasyente pala ni Kyle si Alicia sa New York kaya siguro may picture silang dalawa .

May nakasulat sa likod .

Ang mga nakasulat sa likod ang tuluyang nagpakawala ng mga luhang gusto nang kumawala .

March 20 2014

Babe and I .
Its officially us . :)

Pa-panong nangyari to ? I-ibig sabihin nagkaroon sila ng relasyon or worst baka sila parin hanggang ngayon .

Ni-niloko lang ba nila ako . Hi-hindi ba talaga ako mahal ni Kyle ?

Naaalala ko na minsan eh nagpunta din sa mall yung boyfriend ni Alicia pero hindi ako nagkaroon ng chance na makilala ito dahil nagmamadali daw itong umalis .

Tapos si Kyle .

Napailing na lang ako .

Naiintindihan ko na lahat . Si Ali at Alicia ay iisa .

Si Levy at Kyle ay iisa .

Hanggang kailan nila ako lolokohin ?

Bakit nila ginawa sakin to ? Ano bang ginawa ko sa kanila ?

" Im Inlove with A Pervert Doctor "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon