ALVEENA'S POV
"Sana magising na si Kyle para naman makain niya tong mga binili kong prutas . "
" Ate ? " Mahinang bulong ni Alicia
" Yes ? "
" Okay ka na ba ? Napatawad mo na ba si Kyle ? "
Tumingin ako sa kanya tapos ngumiti .
" Hmmmm . Hindi naman ganun kadali na naghihilom ang sugat ng mga nakaraan ali , pero syempre ayokong sayangin yung buong buhay ko na puno ng galit dito sa puso ko . Tsaka alam mo naman na hindi ko rin kayang mawala si Kyle kahit baliktarin man natin ang mundo siya at siya pa rin ang nakikita kong makakasama ko sa hinaharap, wala eh ganun ata talaga siguro kapag first love mo . Hahahahahahaha ! Isa lang naman talaga ang gusto kong mangyari , yung ipakita niyang mahal talaga niya ako . "
" Naniniwala ka na bang mahal ka niya talaga ? "
" Siguro ? Hahahahahahaha ! Osya tara na at bumaba baka gising na si kyle . "
" okie . Hahahahaha "
________________
Naglalakad kami ni Alicia sa hallway nang biglang tumunog ang phone ko .
"Ate si tita natasha . "
" Yes mommy ? "
[ " Baby nasan na kayo !? " ]
" Paakyat na po . Bakit po ? "
[ " Anak bilisan niyo si Kyle kasi " ]
" Why!? What happen !? "
[ " Sige na bilisa niyo na ." ]
Alicia tara na . Sa sobrang kabang nararamdaman ko natumba ako .
" Ate okay ka lang ba ? "
Naiiyak ako sa hindi ko malaman na dahilan .
" H-hindi ko kaya Ali . Hindi ko talaga kakayanin. "
" Ssshhhhh ! Wag kang magisip ng ganyan . Nurse ! Nurse ! "
Lumapit ang nurse na tinawag niya .
" yes mam ? "
" Pahiram naman ng wheelchair please . "
" Sige po . "
Agad-agad namang umalis ang nurse at bumalik kaagad dala-dala ang wheelchair .
Mabilis pa sa alaskwatro na nakarating kami sa 3rd floor ng hospital .
Pagpasok namin ng kwarto
" Time of death 2:40 pm . "
Hindi ako makagalaw .
" D-death ? A-anong time of death ? "
Napatayo ako kagad sa wheelchair .
" Kyle ! Kyle ! Gising ! Gumising ka dyan ! " Alog ko kay kyle .
Naramdaman kong may yumakap sakin .
" Baby tama na wala na tayong magagawa . " Narinig kong sabi ni mommy .
"No mommy . Hindi pwede . Ayoko , hindi pwede . Nakikiusap ako gisingin niyo siya ." Sabi ko habang nakayakap kay kyle at umiiyak .
" Ikinalulungkot po namin ang nangyari . Maiwan na po namin kayo . " Sabi ng doktor .
BINABASA MO ANG
" Im Inlove with A Pervert Doctor "
عاطفيةNaranasan niyo na bang maospital ? Yung maoospital kayo tapos isang gabi magigising nalang kayo sa kamanyakan ng Doctor na nakatokang tumingin sa inyo . sounds creepy right ? pero sakin kasi hindi . ahahahaha ! Gagaling ka talaga agad kasi sobra...