As a promise . Hihi !
Last 4 chapters . Salamat sa mga nagbabasa . Labyow ! Mwa !_________________
Napahiga nalang ako sa kama sa sobrang disappoinment.
Ano bang nangyayari sakin . Bakit ganito yung feeling ?
Nawawala na yung pagkasexy ko sa sobrang lakas kong kumain , tapos tulog ako ng tulog kapag magkasama kami ni Kyle . Nagtatampo na nga siya sakin dahil lagi ko nalang daw siyang tinutulugan at nang minsan na ayain na ako eh hindi ako pumayag dahil wala akong gana .
Alam niyo yun ? Ako ? Nawalan ng gana makipagmake love kay kyle eh paborito ko nga yun . Ewan ko ba . Aysss .
Maya-maya pa ay may naamoy na naman ako na nakapagpatayo sakin .
Dumeretso ako ng cr dahil parang lalabas lahat ng kinain ko .
Isinuka ko nga lahat ng kinain ko dahil sa naamoy ko .
At padabog akong bumaba hagdan .
" Manang !!!!!! "
" A-ay mam . Bakit po ? "
Napalingon silang lahat sakin.
" Ang baho nang niluluto mo ! Ano ba yan ? "
" Siomai po Mam . "
" What ? Siomai ? Ang baho ! Itigil mo yan ! "
Napalapit tuloy si kyle samin.
" Alveena bakit ka ba sumisigaw ? "
" Eh itong si manang nagpiprito ng siomai napakabaho . Sinuka ko lahat ng kinain ko kanina ! Sino ba kasing nagpaluto niyan !? "
" Ako ang nagpaluto niyan . Bakit ba nababahuan ka ? "
" Ang baho nga !
Pakiramdam ko masusuka na naman ako .
Itigil mo na yan manang ah , kundi itatapon ko yan ! "
Padabog ulit akong umakyat ng hagdan at pabagsak kong isinara ang pinto.
Nahiga ako at nagtakip ng kumot .
Inaantok na naman ako .
See ? Kakagising lang namin inaantok na naman ako .
🎵flex time to impress ,
Come and climb in my head its all in my head ..... 🎵Punyeta may istorbong tumatawag . Uggghh !
Pagkatingin ko sa phone ko ay si Vanessa pala ang tumatawag .
Kaya sinagot ko na .
" Cupcake !!!!!!! "
Nailayo ko sa tainga ang phone ko sa lakas ng boses nitong bff ko .
" Ano ba ! Bakit ka nasigaw !? Gusto mo bang tanggalin ko yang ngala ngala mo ! "
" Hala siya bakit ang sungit mo ? "
Ooooppps ! Pati si bessy nasungitan .
" Ay sorry . Ewan ko ba lately nagiging masungit ako . Laging inaantok at kanina eh ayoko ng amoy ng kaldereta . Sobrang baho samantalang pinaluto ko yun dahil natatakam ako . "
" Kaldereta ? Nabahuan ka ? Eh paborito mo yun diba ? "
" Hindi ko nga din al- "
" OMG ! "
" Bakit ? "
" Cupcake baka naman buntis ka na ? "
BINABASA MO ANG
" Im Inlove with A Pervert Doctor "
RomanceNaranasan niyo na bang maospital ? Yung maoospital kayo tapos isang gabi magigising nalang kayo sa kamanyakan ng Doctor na nakatokang tumingin sa inyo . sounds creepy right ? pero sakin kasi hindi . ahahahaha ! Gagaling ka talaga agad kasi sobra...