Hi mga babyloves . Sorry na kung lagi ko kayong pinagaantay ,sobrang busy lang talaga ng ateng dyosa niyo .
Bawi ako ngayon . Its a long update mga babyloves . :))___________________
KYLE'S POV
Lakad dito lakad doon .
Hindi ko alam ang gagawin .Pano ba to ? Maaaning na ata ako kakaisip sa kung anong pwede kong gawin .
Uggghh !
Napasuntok nalang ako sa bato sa inis .Sa sobrang lakas nagdugo ang kamao ko .
" Anak ! Ano ba yan !? "
Dali-daling lumapit sakin si Mommy .
" Kyle ano bang ginagawa mo ? "
" Mommy i dont know what to do . Sigurado akong magagalit sakin si Alveena kapag nalaman niya to . "
Napayuko nalang ako . Naiiyak ako .
Sa kauna-unahang pagkakataon naiiyak ako dahil ayokong masaktan yung babaeng pinakamamahal ko . Okay na kami , sobrang saya na pero darating pala talaga yung araw na malalaman ang itinatago mong sikreto ." Ano ba kasi yun ? Kanina ka pa hinahanap ni Alveena nandito ka lang pala sa kwarto namin . Bakit ka ba nandito ? "
" Nasan na siya mommy ? "
" Umalis na siya ,magkita nalang daw kayo sa Airport . "
" Shit ! "
" Kyle eyes on me . Ano ba yun ? Sabihin mo sakin . "
Napatingin ako kay mommy .
At halatang nagulat siya dahil paiyak na ako ." Oh my , why are you crying ? "
Niyakap ako ni mommy at tuluyan na akong napaiyak .
" Mommy I cant loose alveena , but this situation is freaking me out . "
" Kyle tell me what is it ? "
Huminga ako ng malalim .
" Nagkaroon po kami ng relasyon ng pinsan ni Alveena . "
" What !? "
" wala po silang kaide ideya na iisa lang ang lalaking minamahal nila . "
" Hanggang ngayon ? "
" Hindi po . Bago umalis si Alicia nakikipaghiwalay na ako sa kanya pero ayaw niya . "
" Bakit ka nagpropose kay alveena nang hindi mo inaayos yang gusot na yan kyle ? "
" Mommy mahal na mahal ko si Alveena , hindi ko na kaya kung mawawala pa siya ulit , siya lang yung bukod tanging babae na gusto kong makasama buong buhay ko . "
" Paanong nagkarelasyon kayo nung pinsan niya? "
" Nagkakilala kami sa new york , sa sobrang lungkot ko nun nakipagrelasyon ako sa kanya , wala naman akong balak na seryosohin siya mommy pero ayaw na niya makipaghiwalay , ako na lang daw ang pamilya niya . Broken family daw sila at hindi pa niya laging kasama ang mommy niya . Naawa ako mommy kaya tumagal kami . Pero hindi ko talaga siya minahal . "
Bumitaw sakin si mommy at tumayo .
" Malaki ka na kyle , ikaw ang umayos ng problema mo na yan . Basta tatandaan mo na gawin mo kung ano ang tama . "
At tuluyan na siyang lumabas ng kwarto .
Huminga ulit ako ng malalim bago tumayo .
Tama si mommy kailangan kong ayusin itong problema ko na to .
BINABASA MO ANG
" Im Inlove with A Pervert Doctor "
RomanceNaranasan niyo na bang maospital ? Yung maoospital kayo tapos isang gabi magigising nalang kayo sa kamanyakan ng Doctor na nakatokang tumingin sa inyo . sounds creepy right ? pero sakin kasi hindi . ahahahaha ! Gagaling ka talaga agad kasi sobra...