Chapter 18

24.1K 409 41
                                    

Here's a long update for you guys . 😘
Warning:Beware of typos . ✌✌✌
_____________

Ayysss . Napakadakilang extra talaga ng babaeng yan .

" Hi Hon para sayo oh . "

Teka ano kaya yun .

Ngumiti siya tapos binuksan niya yung box na dala niya .

At pagbukas niya .
Puro chocolates din ang laman neto .
Nangaasar ba tong babae na to .

Nung napatingin si kyle sa box na bigay ko napatingin din si charlotte doon .

At biglang sumimangot .

" Hindi mo na pala kailangan to , itatapon ko nalang. "

Tang-ina ang arte nitong babaeng na to . Kakalbuhin ko talaga to . Grrr !!!

" Hon hindi , akin na yan . "

Kinuha niya yung dala ni charlotte tapos dinampot niya rin yung sakin .

Tapos naglakad siya na parang may hinahanap at nang nakita niya yung hinahanap niya , tumayo siya sa harapan nito .

BASURAHAN

Tumingin siya kay charlotte , tapos ngumiti .

Medyo nangingilid na yung mga luha ko ,
Alam ko na kasi kung ano yung susunod na mangyayari .

" Ito ba pinoproblema mo hon ? Dito to nararapat . "

At itinapon niya sa basurahan yung mga chocolates na halos ipagdamot ko sa ibang tao .

Tumulo nalang yung mga luha na kanina ko pa pinipigil.
Ang sakit lang maetsepwera ng taong mahal mo .
Yung tipong umaasa ka pa rin na isang araw mapapansin niya ako .

" Oh ayan ! Isaksak mo dun sa puso ng taong kahit kailan hindi ka naman pinansin .

Alveena Bestfriend moko , siya schoolmate mo lang .

Oo alam kong Mahal mo siya ?

Pero mas nauna mo akong minahal sa kanya , dahil mas nauna tayong nagkakilala .

Ako yung laging nandito para sayo ,

kasama mo ,

nakikinig sayo sa lahat ng sasabihin mo ,

iniiyakan mo kapag nasasaktan ka nang lalaking yun ,

tapos isang pirasong chocolate lang ang hinihingi ko sayo ipinagdadamot mo sakin ng dahil sa pesteng kyle na yan , yang kyle na yan na kahit kailan hindi nasuklian yang pagmamahal mo . Yang kyle na yan na kahit anong gawin mo , hinding hindi ka naman papansinin dahil wala ka lang sa kanya Bakit ba hindi mo maintindihan yun !!!!!!!!!?????? "

Lalo akong naiyak nang maalala ko ang mga sinabi ni Andrei .

Tinakpan ko ang bibig ko at baka makagawa ako ng ingay sa pagiyak ko .

Gusto kong ilabas to pero pigil ang pagiyak ko .
Ayokong makita nila ako .

Maya-maya pagkatapos nilang magharutan sa parking ay sumakay na sila at umalis .

Tumayo ako at tinungo yung basurahan .

Natawa nalang ako nang damputin ko yung mga chocolates sa basurahan .

" Im Inlove with A Pervert Doctor "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon