Two: Hangin

6.4K 239 22
                                    

Jairus

"Jai, wake up. Nandito na tayo."

Nagising ako sa marahang pagtapik ni Daddy sa balikat ko. Nasa loob kami ngayon ng sasakyan nila. Pinapagitnaan nila ako ni Tito Lucas.

Pagkalabas nila ay agad din akong sumunod. Inilibot ko ang aking paningin sa bahay na aking titirahan mula ngayon. 

Tumingin din ako kay Daddy Laurence at kay Tito Lucas. Sila na ang makakasama ko simula ngayon.



My name is Jairus Sef Imperial.

I'm 17 years old. Laking America pero nakakaintindi at nakakapagsalita ng wikang Filipino dahil sa aking ina na purong Pinay.

Pinoy din naman ang aking ama, si Daddy Laurence. I was like 6 years old nung nagpasiyang maghiwalay sila Mommy at Daddy. Obviously dahil sa sexual preference ni Daddy. He's gay and he chose to be with Tito Lucas over my Mom... Over me... Over us.

"Let's get inside. Ililibot ka namin sa bago mong tirahan Anak." Pagyaya ni Daddy sa'kin. Tahimik naman akong sumunod sa kanila.

Noong nagkahiwalay ang mga magulang ko, napunta ako sa custody ni Mommy. Nanirahan kami sa America habang si Daddy naman ay bumalik ng Pilipinas.

Binibigyan pa rin naman niya kami ng suporta lalo na sa usaping pinansiyal. Pero nang muling magpakasal ang aking Mommy kay Tito John, isang purong Kano, nag-decide si Mommy na huwag na lang tanggapin pa ang anumang tulong na ibibigay ni Daddy.

Hindi pumayag si Daddy kaya naman pinutol ni Mommy ang lahat ng komunikasyon namin sa kanya at nagpalipat-lipat kami sa iba't ibang lugar.

"Siya nga pala, nagpahanda ako ng pagkain. Alam ko na nagutom ka sa biyahe anak." Pagyaya muli ni Daddy sa'kin. Tiningnan ko siya at ngumiti siya sa'kin. Ganun din si Tito Lucas. Alam ko na hinihintay nila ang sagot ko dahil kanina pa ako di umiimik.

"I'm not hungry. Pwede ko bang malaman kung nasaan ang kwarto ko? Gusto ko lang magpahinga." Nakita ko na nawala ang ngiti sa mga labi ni Daddy pero agad din niya itong ibinalik.

"Oo n-naman anak. Halika akyat tayo at nang maihatid kita sa kwarto mo." Umakyat siya sa hagdan at sumunod naman ako. Nasa likod ko naman si Tito Lucas na tahimik rin.

My mother died last month because of colon cancer. At dahil wala pa ako sa legal age, nag-decide siya na muling kausapin si Daddy para ibigay ang custody ko rito. Pumayag naman si Daddy kaya isang linggo matapos ilibing si Mommy ay lumipad na ako pauwi rito sa Pilipinas. Kahit ayokong makasama si Daddy at Tito Lucas, kailangan ko pa rin itong gawin dahil ito ang huling hiling para sa'kin ni Mommy.

"Baby boy, please give your Daddy a chance to be a father to you. Do it for me Jai...please..."

"Anak nandito na tayo sa kwarto mo." Pumasok kami sa loob ng kwarto ko. Pinagmasdan ko naman ito.

Kulay blue at puti ang tema ng kwarto ko. May nakasabit pa na gitara sa isang pader. Sa may study table ay may nakalagay na laptop. Meron ding maliit na basketball ring malapit sa may pinto. Simple lamang sa kabuuan. Mukhang inuumpisahan na ni Daddy na mapalapit sa'kin at ito ay sa paggaya ng aking kwarto sa America.

"Sana ay nagustuhan mo ang kwarto mo Anak. Kung may gusto kang idagdag o ano naman kaya ay ipabago sabihin mo lang sa'min ng Tito Lucas mo. Kami na ang bahala."

Hindi ako sumagot sa kaniya at padapa akong humiga na lang sa aking kama. Napakalambot nito. Kumuha ako ng isang unan at tinakpan ang aking mukha.

"Uhmmm, Sige anak bababa na kami ng Tito mo. Kung may kailangan ka, kung nagugutom ka, bumaba ka na lang ah o ano kaya tawagin mo na lang kami."

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon