Fourteen: Gift Unison

4.6K 196 27
                                    

Khalil's POV

"Magandang Buhay!" Bati ko kay haring araw pagkagising ko. Nakadungaw ako sa may bintana habang nag-uunat ng aking mga kamay.

Linggo ngayon at walang pasok sa school. Free na free ako ngayong araw at pwede akong magbasa ng wattpad buong maghapon dito sa kwarto ko ng walang umaabala sa'kin. This is life!

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso agad ako sa kusina para mag-breakfast. Naabutan ko si Mama na hinahanda yung kakainin ko. Niyakap ko siya sa likod na hindi na niya kinagulat kasi morning ritual ko na 'yun.

"Khalil anak, ikaw nga eh magpaliwanag ka sa'kin. Saan ka ba talaga nanggaling kagabi? Yung realtalk?" Natawa ako ng konti dun sa term na ginamit ng nanay ko.

"Sa ospital po." Sagot ko naman.

"Huh! Bakit naman anak? Meron ka bang hindi sinasabi sa'min ng Papa mo? May cancer ka ba sa lalamunan?" Pag-aalala ni Mama at naisingit talaga niya yung punchline niya sa boses ko.

"Hindi Ma. Sinamahan ko lang po si Jairus, yung anak po ni Tito Lau. Naaksidente po kasi yung mag-asawa kahapon." Paliwanag ko naman.

"Ganun ba? Eh kamusta naman ang lagay nila ngayon?" Seryosong tanong ni Mama.

"Ayos naman na sila. Nadischarged na rin po si Tito Lau kagabi rin." Pagkasabi ko nun eh kinuha ko na agad yung pagkain na hinanda sa'kin ni Mama.

"Ma, sa kwarto na po ako kakain ah? Love you!" Hindi ko na hinintay yung sagot ni Mama at dumiretso na ko sa kwarto ko para kumain.

Habang kumakain ako, bigla kong naalala yung naging reaksyon ni Jairus nung inakala namin na wala na si Tito Lau. Sobrang naawa talaga ko kasi kung nagkataon ay magiging ulilang lubos siya dahil wala na yung nanay niya. Kahit na nandiyan si Tito Lucas eh iba pa rin kung buo yung pamilya mo.

Kahit na hindi ko mabasa yung past ni Jairus, alam ko na marami na siyang pinagdaanan sa buhay. Nung nakita ko yung pag-iyak niya, parang nadudurog yung puso ko mga bes. Naramdaman ko yung takot at pagsisisi niya nung mga oras na 'yun sa pag-aakala na wala na yung Daddy niya.

Hindi man kami 'close' na dalawa at kahit na palagi kaming nagtatalo eh handa naman akong damayan siya kahit na anong mangyari. Natuwa naman ako nung nalaman namin na nasa maayos na kalagayan pala si Tito Lau. Sana lang ito na yung simula ng magandang relasyon nilang mag-ama at ganun na rin para kay Tito Lucas.

Patapos na akong kumain nang bigla akong may nareceive na text message sa phone ko. Tiningnan ko yung number at hindi ito nakaregister sa contacts ko. Binasa ko yung text.

[Good Morning Angel 😊]

Nung una naisip ko na baka wrong send lang siguro. Pero bigla kong naalala si Rigo. Yung gwapo na nakausap ko kahapon. Nag reply ako at nagbaka sakali na siya yun.

[Sino to?]

[Si Rigo. Nakakatampo naman. May iba bang tumatawag sa'yo ng Angel? 😢] Reply niya.

[Sorry po akala ko kasi wrong send. Teka, pano mo po nakuha number ko?] Ang pabebe ko sa part na 'yun.

[Kinuha ko dun sa list ng mga nag-audition kahapon. Galit ka po? 😢] Natawa naman ako sa tanong niya.

[Hindi naman. Ikaw ah stalker ka! Haha! 😂]

[Hindi ako stalker. Kasi pag-stalker ibig sabihin nun pangit ako eh hindi naman kaya ang tamang term ay 'admirer' 😊] Nagulat naman ako sa sagot niya. Ibig sabihin admirer ko siya ganun?

[Uy ba't di ka na nagreply? 😮] Text niya kasi mga 5 mins na siguro akong di nakapagreply.

[Alam ko masyado akong mabilis but yes, gusto kita Khalil. Actually, matagal na. Nahihiya lang akong magsabi.] sabi niya na mas lalong nagpagulat sa'kin mga bes!

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon