Eighteen: Kung ako ba siya

4.2K 193 45
                                    

Khalil's POV

Isang linggo na rin ang nakalipas magmula nang makauwi si Iris dito sa Pilipinas galing sa America. Kahit na nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan eh mabilis din naman kaming nagka-ayos na dalawa at ngayon nga eh back to being best friends na. Maayos na rin ang pakikitungo niya kay Jairus at kahit kay kuya Luigi.

Mahirap para sa'kin na sabihin kay Iris na gusto siya ni Jairus. Bukod sa alam ko na isang malutong na "No way!" ang isasagot niya sa'kin eh nasasaktan din ako dahil alam ko na iba na ang pagtingin ko kay Jai, kahit na maiksing panahon pa lang kaming nagkakasama ay nagkaroon ako ng pagkagusto sa kaniya. Ang totoo niyan ay nagulat ako sa naging reaksyon ni Iris nang sinabi ko sa kanya ang balak na pangliligaw sa kanya ni Jai.

Flashback

[Papunta ako sa bahay nila Iris ngayon. Una dahil gusto kong humingi ng tawad dahil sa nangyari nang huli kaming nagkita at pangalawa eh para sabihin sa kanya na gusto siya ni Jairus at balak nitong manligaw sa kanya. Pagdating ko sa bahay nila eh nagulat ako sa naabutan ko.

Si Iris at kuya Luigi. Magkasama silang dalawa at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Hindi ko naririnig yung pinag-uusapan nila sa pwesto ko. Pinili ko na lang na manatili muna doon bago magpakita sa kanila.

Ilang sandali pa eh nakaramdam ako ng paglindol. Si Iris ang may gawa nun sigurado ako kasi halata na galit siya sa kung ano man ang sinasabi sa kanya ni kuya Luigi. Pagkatapos nung mahinang lindol eh isang malakas na sampal galing kay Iris ang lumanding sa mukha ni kuya Luigi.

Nagpakita na ako sa kanila para umawat. Nang makita nila ko eh pareho silang nagulat at humiwalay sila sa isa't-isa. Hindi ko pa natatanong kung ano ang nangyayari eh bigla na lang nag-walk out si kuya Luigi.

Tatanungin ko sana si Iris kung ano ang pinag-usapan nila ni kuya Luigi pero nang makita ko yung nakataas niyang kilay eh naalala ko na meron nga pala kaming hindi pagkakaunwaan. Hahawakan ko sana sa kamay si Iris para maglambing sa kanya at para gamitan na rin siya ng gift ko pero iniwas niya yung kamay niya na kinagulat ko naman. Mukhang masama talaga loob niya sa'kin.

"Bestie, sorry na." Paghingi ko ng tawad sa kanya.

"I'll only accept your apology kung sasabihin mo sa'kin na lalayuan mo na yung Jairis na yun."

"Bestie naman."

"Then, apology NOT accepted." Diniinan talaga niya yung salitang '"not". Tapos eh iniwan niya ko at umakyat siya sa kwarto niya. Syempre sumunod naman agad ako.

"Bestie hindi naman ako pumunta dito para makipagtalo sa'yo. Pumunta ako dito para makipag-ayos. Mag-usap tayo ng maayos please?" Kung nasa public place siguro kami iisipin ng mga tao na magjowa kami at nagkaroon ng LQ.

Nag-dive siya sa kama niya at kinuha yung phone niya. Ako naman eh nakatayo lang dun sa may paanan na bahagi ng kama niya. May kinalikot siya sa phone tapos hinarap niya sa'kin yung screen ng cellphone niya, timer.

"You have 3 minutes to explain everything." Sabi niya.

"Your time starts now." Dagdag niya sabay pindot dun sa timer.

"Inaamin ko na hindi naging maganda yung simula namin ni Jairus. Palagi kaming nag-aaway kapag nagkikita kami. Hindi ko naisip na makakasundo ko pala siya." Panimula ko.

"Nang makilala ko siya ng lubos eh dun ko nalaman na mabait naman pala siyang tao. Parehas kayo na handang protektahan ang kaibigan nila. He knows that I'm gay Iris pero mas pinili pa rin niya ang makipag-kaibigan sa'kin." Tumingin ako kay Iris at nakatingin pa rin siya sa phone niya.

"Iba siya Iris. Sana bigyan mo siya ng chance." Pagkasabi ko nun eh biglang tumunog yung timer. Wew sakto.

"Ok fine." Walang buhay na sabi ni Iris.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon