Three: Aso't Pusa

5.9K 240 27
                                    

Jairus

Nandito ako ngayon sa harap ng university kung saan ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Papasok ako dito bilang exchange student.

Ang sabi ni Daddy sa'kin kanina ay credited ng university na ito ang lahat ng subjects na kinuha ko noon sa America kaya magiging regular na rin ang mga schedule ko. Pwede ko rin ipagpatuloy ang napili kong kurso na Psychology sa school na ito.

"Salamat sa paghatid sa'kin Mang Ben. Text ko na lang kayo kung anong oras ako magpapasundo pauwi." Sabi ko sa aming driver.

Pagkalabas sa aming sasakyan ay pinagtinginan kaagad ako ng ibang estudyante lalo na ng mga kakaibahan. Hindi ko pa pala nad-describe ang aking pisikal na anyo sa inyo.

Matangkad ako. Hindi mataba at hindi rin naman ganun kapayat, tama lang kumbaga. Nagwowork-out ako kaya masasabi kong fit naman ako. Maputi ang kutis at bilugan ang mga mata. Ang sabi sa'kin ng mga naging girlfriends ko, asset ko daw ang malalalim kong dimples. Though lumalabas lang ang mga iyon kapag ngumingiti ako... which I rarely do.

Naglakad ako papasok at pinagmasdan ang buong paligid. Malawak ang university na ito. Maraming bench ang nagkalat sa paligid na pwedeng gawing tambayan ng mga estudyante. Marami rin nakatanim na mga puno at halaman kaya naman nakakaginhawa sa pakiramdam. May malawak na gymnasium na bubungad sa'yo sa pagpasok sa loob. Kapansin-pansin din yung mga CCTV na nakalagay sa bawat sulok ng mga building.

Kailangan ko munang dumaan sa opisina ng aming Dean para sa iba pang bagay na dapat kong malaman tungkol sa school na ito. Nagtanong tanong ako kung nasaan ito at di naman ako nabigo dahil may grupo ng mga kababaihan na sinamahan pa ako papunta doon. Nagpakilala sila at hiningi ang number ko pero hindi ko naman binigay. Nagpasalamat na lang ako sa kanila dahil sa pagsama nila sa'kin bago ako pumasok sa loob ng opisina.

Mabait naman si Mr. Kenji Alfonso, ang Dean ng aming departamento. Pinaliwanag niya sa'kin ang mga rules and regulations ng university. Mayroon siyang estudyante na pinatawag gamit ang intercom. Siya daw ang makakatulong sa'kin para mabilis na makapag adjust dito sa school. Pagkalipas ng ilang sandali ay may kumatok sa pinto. Agad naman itong pinapasok ni Dean.

"Good morning Mr. Khalil Pereira. I want you to meet Mr. Jairus Sef Imperial, an exchange student and a fellow sophomore. I want you to help him in most of his subjects." Pagpapakilala sa'min ng Dean.

Tiningnan ako ni Khalil at tiningnan ko rin siya. Maliit siya kumpara sa'kin. May suot pa siyang eyeglasses na itinulak niya pataas ng kanyang ilong para di mahulog bago nagsalita.

"It's my pleasure Dean Alfonso." Ngumiti siya na kita ang pantay pantay at mapuputing mga ngipin.

Humarap sa'kin si Khalil na nakangiti pa rin. Inabot niya ang kanyang kanang kamay sa akin at nagpakilala.

"Khalil..." inabot ko naman ang kanyang kamay at nakipag shake hands.

"Jairus..." Sagot ko naman. Bibitaw na sana ako sa pakikipagkamay sa kaniya pero napansin ko na mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Tiningnan ko ang mga kamay namin at pagkatapos ay siya. Nakakunot ang kanyang noo na para bang meron siyang bagay na di maintindihan.

"Hey you're hurting me dude, let go of my hand!" Bulyaw ko sa kanya dahil mas lalong humigpit ang hawak niya na para bang dudurugin niya ang kamay ko.

"I'm s-sorry, di ko s-sinasadya." Utal niyang sagot. Binitawan naman niya ako. Hinimas ko agad ang aking kamay. May balak pa ata itong Khalil na ito na pilayan ako.

"Dean Alfonso, with all due respect, sigurado po ba kayo na willing talaga 'tong tao na to na tulungan ako?" Tanong ko kay Dean.

"Dean... Jairus... Sorry talaga. Don't worry di na mauulit." Paghingi ng tawad ni Khalil. Nakayuko siya ng mga oras na iyon.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon