Four: Laban

5.7K 215 27
                                    

Julian's POV

Kasama ko si Matteo na manood ng paborito niyang palabas. Nasa sofa kami, nakaupo ako habang siya naman ay nakahiga at ang ulo ay naka-unan sa aking mga hita. Sinusuklay ko ang kanyang malambot na buhok gamit ang aking kamay.

Habang tutok na tutok siya sa panood ng Harry Potter ay iba naman ang tumatakbo sa isipan ko. Naaalala ko ang naging pag-uusap namin ni Leia kanina tungkol sa pangitain niya.

Flashback

"Anong ibig mong sabihin na si Matteo ang magiging dahilan ng pagbabalik ni Magnus?"

Sinusubukan kong hinaan ang aking boses dahil ayokong malaman ng iba pang tao sa paligid ang pinag-uusapan naming dalawa kahit na ang totoo ay gusto ko ng sumigaw dahil sa pinaghalong pagkalito at inis.

"Hindi rin malinaw sa akin ang lahat Julian pero sa nakita ko,kasama si Matteo sa bubuhay kay Magnus." Sagot naman niya.

"Leia, alam mo naman na walang kakayahan si Matteo na bumuhay ng patay di'ba? Kaya paano naman niya magagawa ang mga sinasabi mo?!"

"Alam ko Julian. Tulad mo nagtataka din ako. Hindi ko sinasabi sa'yo ang mga bagay na ito para magalit ka sa'kin o para takutin ka. Ang gusto ko lang ay maging handa ka sa mga pwedeng mangyari."

"Bakit di mo na lang ako diretsuhin Leia?"

"Alam ko na hindi magagawa ni Matteo ang ganung bagay. Pero paano kung buhay mo na ang nakataya? Gaano ka nakakasigurado na hindi magagawa ni Matteo na gawin kung ano ang nakatakda?"

End of Flashback

"Aray!" narinig kong pag-anggal ni Matteo. Hawak niya ang kanyang ulo. Nasabunutan ko ata siya ng hindi sinasadya.

"Sorry Matty." Tumingin sa'kin si Matteo na tila nagtataka.

"Ju, meron ka bang hindi sinasabi sa'kin?" Tanong niya!

"Huh? Wala ah. Wala naman. Ah eh, na carried away lang ako dun sa pinapanood natin. Sorry na po." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Tumingin ako sa pinapanood namin at nakita ko na tapos na pala ito!

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon