Five: Constancia Fortunata

4.7K 225 13
                                    

Julian's POV

"Tao po..."

Yan ang paulit-ulit na pagtawag ni Gab sa labas ng gate nitong Villa. Ilang oras na baka nandito? Nakailang tawag na ba si Gab? Mayroon ba talagang magbubukas nitong gate para sa'min? Nakakainip na. Hindi ako mapakali.

Kailangan ko na makausap si Constancia Fortunata. Nang di ako makapagpigil ay ginamit ko na ang kapangyarihan ko para buksan ang gate. Napatingin sa'kin si Gab, bakas ang pagkagulat sa mukha.

"Baka mamaos ka na kakatawag diyan, wala pa ring magbukas ng gate para sa'tin. Pumasok na tayo sa loob." Pagwawalang bahala ko. Hindi ko na hinitay pa ang sagot niya at pumasok ako sa loob.

Malawak sa Villa. Maraming puno at mga bulaklak ang nakatanim sa paligid. Tahimik din na tipong huni lamang ng mga ibon at lagaslas ng mga dahon sa puno ang maririnig sa paligid. Hindi ko maintindihan pero may kung anong misteryo akong nararamdaman sa lugar na ito.

Naglakad lakad pa kami ni Gab hanggang sa mapunta kami sa pinaka sentro ng Villa kung saan nakatayo ang isang napakalaking mansyon. Yari ito sa kahoy at bato na kung titingnan ng mabuti sa kabuuan ay masasabing napakatanda na nito.

Sa harap ng mansyon ay may isang malawak sa swimming pool na parihaba. Maraming nakalutang na dahon ang nasa ibabaw ng tubig sa pool. Nababalutan na rin ng kulay berdeng lumot ang paligid nito. Mukhang matagal na nang huling linisin ang pool na ito.

Kinuha ko ang aking cellphone para i-update si Matteo na narito na kami sa Villa ni Gab pero ng tiningnan ko ang phone ko ay wala pala itong signal. Tinanong ko si Gab kung may signal ba ang phone niya at sinabi niya na pareho lang kaming wala. Itinabi ko na lang ulit sa bag ko ang aking cellphone sa pagkadismaya.

Tiningnan ko ulit ang mansiyon. Kaba at excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kung anuman ang mga malalaman ko sa araw na ito ay handa akong tanggapin ito. Hindi na dapat kami mag-aksaya pa ng oras ni Gab. Nilingon ko si Gab at pagkatapos ay tumango sa kanya na para bang sinasabing pumasok na kami.

"Sino kayo?"

Napahinto kaming dalawa ni Gab sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon.

Isang matandang lalaki ang nakatayo malapit sa dulong bahagi ng pool. Nakasuot ito ng puting t-shirt, pantalon at tsinelas habang hawak ang isang baston. Nakasuot din ito ng salamin sa mata at kapansin-pansin rin ang puti nitong buhok. Sa aking palagay eh nasa 50 taong ulang na ito. Pamilyar ang kaniyang mukha pero di ko maalala kung saan ko siya nakita.

"Tinatanong ko kayo kung sino kayo? Anong ginagawa niyo rito? Paano kayo nakapasok?" Sunod-sunod na tanong ng matanda.

Sinubukan kong basahin ang isip niya pero nagulat ako nang hindi ko magawa! May kakaiba sa matandang ito. Tiningnan ko si Gab at kinausap siya sa aking isip.

"Hindi ko mabasa ang isip niya Gab. Kailangan nating mag-ingat sa kaniya." Sabi ko.

"Pasensiya na po manong kung basta-basta na lang kaming pumasok sa Villa na ito ng walang pahintulot. Mga researchers po kami galing pa sa Maynila. Gusto lang po namin malaman kung dito po ba nakatira si Constancia Fortunata?" Paliwanag nj Gab sa matanda.

Nagkaroon ulit ng katahimikan. Pinagmasdan kami ng maigi ng matanda bago siya sumagot nang hindi umaalis sa kaniyang puwesto.

"Oo. Dito nga siya nakatira at ano naman ang kailangan niyo sa kanya?" Tanong niya.

"Tulad ng sabi ko ay mga researchers po kami. Mayroon lamang po kaming ilang katanungan sa kaniya may kinalaman sa mga akda ni Celestina Fortunata, ang kaniyang lola." Sagot naman ni Gab.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon