Eleven: Small World

4.8K 187 55
                                    

Khalil's POV

Gumagawa ako ng assignment ko nang biglang may magpop-up na video call invitation sa laptop ko. Nang makita ko na galing pala ito kay Iris, ang best friend ko na nasa America ngayon, in-accept ko yung video call at binati ko agad siya.

"Bestie!"

"Haha. Iba talaga powers ng boses mo Bestie, abot hanggang dito sa America!" Pang-aasar niya.

"Ano tumawag ka lang para asarin ako?"

Aminado naman akong 'medyo' hindi maganda yung speaking voice ko pero kung singing voice ko naman yung pag-uusapan, well, It's confidently beautiful with a heart thank you! Haha!

"Wag ka ngang magdrama diyan di bagay sa'yo. Di bale sana kung kasing ganda mo ko." Nagflip pa siya ng hair niya.

"Ay grabe siya oh. Masyado mong hinuhusayan Bestie."

Honestly, maganda talaga si Iris. Siya lang naman yung nanalo as Ms. University last year. Kung straight lang ako popormahan ko talaga siya kaso di talaga kami talo eh plus man hater pa siya.

"Bakit ka ba napatawag ah magbe-beauty rest na ko eh?" Tanong ko sa kanya habang nililigpit yung mga gamit ko.

"Rest lang bestie, walang beauty." Ang cute cute niyang tumawa.

"Hoy Iris Vei Alfonso sumosobra ka na ah! Humanda ka sa'kin pag-uwi mo. Teka lang kailan ba ang uwi mo ah?" Kanina pa ko nagtatanong sa kanya pero puro pang-aasar ang sagot niya.

"Actually yan talaga reason kung bakit ako napatawag. May itatanong sana ako sa'yo bestie eh." Sagot niya.

"Ano yun?"

"Well, tumawag kanina sa'kin si Lolo. Pinapauwi na niya ko asap. Tinanong ko siya kung bakit pero ayaw naman niyang sabihin sa'kin. Pag-uwi ko na lang daw. May alam ka ba about dito?"

"Wala rin akong idea. Baka dahil sa Battle of the Gifteds?" Sagot ko sa kanya.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit kami naging malapit na magkaibigan ni Iris ay dahil tulad ko ay may gift din siya. Kung isa akong psychometrician, si Iris naman ay isang earth elementor.

Well, lolo niya si Dean Kenji Alfonso na Top 5 gifted noon at isang earth elementor. Kahit mama niya na si Tita Julia ay earth elementor din. Pero alam ko hindi nakasama sa Top 10 gifted si Tita Julia dati eh.

[A/N: Psychometrician = isang tao na kayang makita ang past ng iba, usually kapag hinahawakan niya ang taong iyon o anumang bagay na pagmamay-ari ng taong iyon.]

"Siguro nga. Anyway, sobrang miss na kita bestie!" Nag-pout pa siya. Ang ganda talaga ng bestie ko.

"Miss na rin kita bestie!" Hindi ko na sinubukan mag-pout baka laitin na naman niya ko eh.

"Ikaw naman kasi niyayaya kitang sumama sa'kin dito ayaw mo naman edi sana kasama kita ngayon."

"Alam mo naman na hindi ko kayang sumakay ng eroplano di'ba?" Paalala ko sa kanya.

Meron akong Acrophobia o takot sa matataas na lugar. Nung bata kasi ako umakyat ako ng puno ng mangga sa may probinsiya namin tapos nahulog ako kaya simula nun natakot na ko sa matataas na lugar. Sa school nga kapag nalaman nila Mama at Papa na mas mataas pa sa 2nd floor yung classroom ko eh kinakausap talaga nila yung admin para ibaba ako sa first floor. Ganun kalala yung phobia ko.

"Bestie ikaw lang yung kilala ko na gustong gusto pumunta ng America pero takot naman sumakay ng eroplano. Paano mo matutupad yung pangarap mo kung hindi mo pag-aaralan kung paano mawala yang acrophobia mo?"

Pangarap ko talaga na makapunta sa America para makaranas ng snow. Ang babaw ng dahilan no? Pero totoo kasi niyan eh may nabasa akong story sa wattpad dati. Sabi ng isang character dun, kung sino yung kasama mo sa first ever snow experience mo, siya yung destiny mo. Yun talaga yung dahilan kung bakit gusto kong pumunta doon.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon