Seventeen: Love at First Sight

4.5K 185 37
                                    

Third Person's POV

Sa rooftop ng isang building, makikita ang ang isang matandang lalaki at isang babae na nag-uusap. Yakap yakap ng babae ang kanyang sarili dahil sa lamig nung gabi na iyon. Ang lalake naman ay humihithit ng sigarilyo. Bakas sa mga mukha nila na seryoso ang kanilang pinag-uusapan.

"Kamusta ang pinapagawa ko sa'yo Leia?" Tanong ng matandang lalaki sa babae.

"Nasabi ko na kay Luigi Master Paul..." Sagot ng babae.

"Tutol siya sa pinapagawa ko sa kanya..." Dagdag pa nito.

"Kilala ko ang batang iyon. Gagawin niya ang pinapagawa natin dahil para naman ito sa kanya at sa mga magulang niya." Isang hithit pa sa hawak nitong sigarilyo at itinapon na niya ito sa sahig kasabay ang pag-apak dito.

"Kailangan ba talaga natin itong gawin?" Tumingin ang babae sa lalaki.

Alam niya na hindi niya dapat itinanong iyon. Kasama niya ang guro ng kaniyang asawa. Si Master Paul, isang S-Class Strategist and Clonist at tinanghal na Top 8 Gifted sa kanilang Battle of the Gifteds. Kailanman ay hindi ito nagkamali sa mga plano niya.

"Naiintindihan ko ang mga agam-agam mo Leia. Alam ko na mali ang ating pamamaraan. Pero ito na lang ang alam kong maari natin gawin." Tumingin din ang matanda sa babaeng kausap niya. Binalik niya rin ang tingin sa harap, kung saan makikita ang magandang tanawin ng buong syudad kapag gabi.

"Isipin mo na lang na para rin ito kay Blue..." Dagdag pa ng matandang lalaki.

Hindi naman nakasagot pa ang babae. Sa tuwing naririnig niya ang pangalan ng asawa ay nalulungkot ito. Hanggang ngayon ay isa pa rin itong matigas na rebulto, walang buhay, walang kasiguraduhan kung magbabalik pa ba o hindi na.

"Paul Anderson..."

Nagulat naman silang dalawa sa narinig. Magkasabaysilang lumingon sa kanilang likuran para alamin kung kanino nanggaling ang boses na iyon. Nakita nila ang tatlong kabataan sa kanilang harapan.

Isang babae na napapagitnaan ng dalawang lalaki. Hindi maitatangi ang malakas na uri ng magic na nanggagaling sa kanila. Hindi nagpakita ng takot ang dalawang gifted sa mga hindi inaasahang bisita.

"Sino kayo at ano ang kailangan niyo sa'min?" Matigas na tanong ni Paul.

"Ikaw at ang iyong buhay Gatekeeper." Walang buhay na sagot ng babae.

"Mga cursed..." Sabi naman ni Leia.

"Isa na namang Seer." Sabi naman nung lalaki na nakangiti. May mga maliiit na gintong liwanag ang pumapaligid-ligid sa kanyang katawan.

Napaisip naman si Paul sa tinuran ng nakangiting lalaki. Agad siyang nakaramdam ng kaba ng maalala ang isa pa niyang kaibigan na Seer din katulad ng babaeng kasama niya ngayon. Tumingin siya ng masama sa tatlong kabataan na nasa harap niya.

"Anong ginawa niyo kay Serafica?" Tanong niya habang tinutukoy ang matandang Seer.

"Tulad ng kaibigan mong water elementor ay naglalakbay na rin ang kaniyang kalag (kaluluwa) sa Hades (impyerno)." Walang buhay na sagot nung isang lalaki. May mga itim na paro-paro naman na lumilipad sa paligid niya.

"Kung ganon ay kayo ang may kagagawan ng lahat ng ito?" Matigas na tanong ni Paul.

Tahimik lamang si Leia sa kaniyang tabi. Nasa kaniyang harapan ang mga taong nanakit sa kaniyang asawa at mga kaibigan. Hindi niya mintindihan kung bkit hindi niya nakita ang pangyayaring ito.

"At susunod ka na sa kanila tanda." Sabi naman nung babae.

"Gawin mo, kung kaya mo." Pagkasabi ni Paul nun ay bigla siyang dumami. Nagkalat ang kaniyang mga clone sa paligid.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon