Nineteen: Birthday

4.2K 184 30
                                    

Rigo's POV

Ako si Rigo. 18 taong gulang. Lead vocalist ng Magnus, isang independent band at tumutugtog kami sa Sugar and Spice Bar kada Sabado at Linggo. Kasalukuyan akong nasa ikalawang taon sa kolehiyo sa kursong Business Management.

Isa akong cursed...

Tinatawag nila akong 'Petrifier' dahil sa kakayahan kong gawing bato ang anoman at sinoman gamit ang aking mga 'hexes' na lumalabas sa presensiya ng mga itim na paro-paro. Tunay na isang nakakatakot na kakayahan.

Sa grupo namin, ako ang pangalawa sa pinakamalakas na cursed.

Siguro kung kapangyarihan ang pagbabatayan.

Pero kung puso?

Ako na yata ang pinakakulelat sa'min.

May iba na kasing mahal yung nag-iisang taong mahal ko. Ang nakakatawa pa eh may iba ng mahal yung mahal niya. Magulo ba?

Sa totoo lang, gusto kong patayin yung lalaking minamahal niya. Una sa lahat eh nasasaktan lang naman siya dahil sa taong 'yun at pangalawa, kapag nawala na siya, tiyak na mapapansin na ako ng mahal ko.

Pero hindi ko gustong gawin 'yun.

Dahil alam ko na lalo lamang siyang masasaktan.

At kapag nasasaktan siya, mas nasasaktan ako.

Minsan talaga pagdating sa pag-ibig, kahit ang pinakamatalinong tao eh nagiging tanga. Kahit ang pinakamalakas ay nagiging mahina. Gifted ka man, Cursed o isang ordinaryong tao, kapag tinamaan ka ng lintek, tinamaan ka talaga.

Si Morissette naman ang pangatlo sa pinakamalakas sa aming mga cursed. Sensory Deprivation ang tawag sa curse niya. Kaya niyang tanggalan ng senses ang mga kalaban niya. Siya ang pinakaseryoso sa aming lahat.

Ang kakambal ko naman na si Trevor ang pang-apat sa pinakamalakas na cursed. Isang white lighter o curse na gumagamit ng liwanag sa paligid para makagawa ng pampasabog. Siya ang pinakamasiyahin sa amin. Lagi siyang nakangiti kahit wala namang dahilan.

Nandito kaming tatlo ngayon sa isang baybayin at kasalukuyang nakikipaglaban sa dalawang S-Class gifted.

Mga Gatekeepers.

Si Akira Fokumoto. Top 7 Desonance Manipulator. Gumagamit ng tunog o sounds sa pakikipaglaban. Iniipon niya ito sa kaniyang flute at gagamitin pabalik sa kalaban bilang energy beam.

Sunod naman si Artemis Garcia. Top 6 Copycat Mind Reader. Kahit na isa lamang siyang copycat ay hindi mapagkakaila na magaling siya at malakas.

Kadalasan na, tumatagal lamang ng 15 minutes ang pakikipaglaban namin sa mga gifted. Maiksing oras lamang ang kailangan namin para manalo. Pero iba ang sitwasyon ngayon dahil tila nahihirapan kami sa pakikipaglaban.

Sabi sa'kin ni Morissette, mag-focus daw ako dahil nababasa niya ang curse ko at ayon sa kanya eh hindi ito stable. Napapansin niya rin na nagkakagulo ang mga hexes ko. Ilang beses na rin akong hindi nakaiwas sa mga atake ng kalaban namin.

Isang atake ang ginawa ni Akira. Gumamit siya ng special attribution na kung tawagin ay 'Vertigo Bend'. Isang nakakabinging tunog ang pinakawalan niya na naging dahilan para mawalan kaming dalawa ni Trevor ng sense of balance at bumagsak sa buhanginan.

Hindi man naapektuhan ng pag-atakeng iyon si Morissette dahil sa pagiging sensist niya, hindi naman siya nakawala sa kapangyarihan ni Artemis. Ginamitan siya nito ng 'Reality Distortion', isang mental attribution kung saan makikita ni Morisstte ang paligid na tila ba umiikot ito ng walang katapusan.

"Siguro nga ay madali ninyong natalo yung naunang tatlong gatekeepers pero ibahin ninyo kami. Hindi kami papayag na magtagumpay kayo sa inyong masasamang hangarin." Sabi ni Akira.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon