Six: Pangako

4.8K 224 9
                                    

Julian's POV

Minulat ko ang aking mga mata. Nasaan ako? Hindi naman namin kwarto ni Matteo ito. Pinagmasdan ko pa ng mas maiigi ang paligid. Napansin ko na may lalaki na natutulog sa isang upuan katabi ng kama ko. Hindi ko makita ang mukha niya kasi nakayuko siya pero inangat niya ang ulo niya nang maramdaman niya ang paggalaw ko at doon ko nalaman na ang asawa ko pala ito.

"Matteo?" Ano naman ang ginagawa niya dito?

"Juju!" Niyakap niya kaagad ako ng mahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik kahit na nagtataka ako.

"Pinaliwanag na sa'kin ni Gab ang lahat ng nangyari. Ju, natakot ako para sa'yo. Alam mo ba na isang araw ka nang walang malay?" Sabi niya. Nagulat ako kaya naman mabilis akong kumawala sa pagkakayakap namin.

"Teka, eh paano si Luigi?" Anak ko kaagad ang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam na ganun katagal na 'kong walang malay.

"Pinakiusapan ko muna sila Mama at Papa mo para bantayan si Luigi. Pumayag naman sila." Sabi ni Matteo habang nakatingin sa mga mata ko.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Matteo. Namumugto yung mga mata niya tapos para siyang pagod na pagod. Halata na kulang siya sa tulog at pahinga.

Naalala ko na. Nakipaglaban pala ako kay Master Cray, The Water Elementor. Akala ko katapusan ko na nang mga oras na iyon pero nang narinig ko yung boses ni Luigi at Matteo, nakaramdam ako ng kakaibang lakas para matalo si Master Cray. Dahil nasobrahan ako sa paggamit ng magic ay nawalan ako ng malay.

Niyakap ko ulit si Matteo. Mahigpit. Akala ko hindi ko na siya makikita ulit, sila ni Luigi. Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak. Ayoko na mag-alala pa masyado ang asawa ko. Naramdaman ko ang marahan na paghimas ni Matteo si likod ko.

"Anong nangyari sa pagpunta niyo sa Zambales?" Tanong ko.

Tinanggal ni Matteo ang pagkakayakap sa'kin at pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko. Hinawakan pa niya yung mga kamay ko bago sumagot sa aking tanong. Kinakabahan naman ako sa maari niyang sabihin.

"Ju, nakakatakot yung nadatnan namin doon ni pareng Blue. Lahat ng nakatira sa bahay na pinuntahan namin... Bata man o matanda... Lahat sila naging bato." Sagot niya!

"Naging bato?" Pag-ulit ko sa sinabi niya.

"Oo. Parang rebulto... Estatwa..." Bigla na lang akong nakaramdam ng pangingilabot.

"Hanggang ngayon eh nag-iimbestiga pa rin sila Leia. Inaalam nila kung ano ang nangyari at kung sino ang may gawa nun." Dagdag ni Matteo.

"Posible kaya na gifted din ang may gawa nun Matty?"

"Malabo Ju. Wala naman tayong records ng isang gifted na may ganung kakayahan."

"Kung ganun eh sino?" Kung sino man ang may gawa nun ay nakakatakot siya.

"Cursed..."

Nagulat kami ni Matteo ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Sabay kaming napalingon sa direksyon ng pintuan at doon namin nakita si Master Cray na nakatayo at pinagmamasdan kami. Kasunod niya sila Gab at Blue na pumasok sa loob ng kwarto.

"Posible na 'Cursed' ang may gawa nun." Dagdag ni Master Cray.

"Anong 'Cursed'?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko rin mapigilan na tingnan  siya ng masama dahil sa ginawa niya sa'min ni Gab na muntik na namin ikamatay.

"Katulad nating mga gifted, ang mga cursed ay may espesyal ding abilidad. Kung ang kapangyarihan natin ay naipapasa o naipapamana sa iba, ang kapangyarihan ng mga cursed ay 'natatangi' lamang para sa kanila. Ibang-iba ang kanilang sinusunod na prinsipyo kumpara sa atin. Malakas sila at kinakatakutan ng marami dahil gimagamit nila ang kapangyarihan nila para gumawa ng masama." Paliwanag niya.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon