Twenty Six: Siya na nga kaya

3.7K 187 13
                                    

Khalil's POV

Idinilat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid. Nasa isang kwarto ako at nakahiga sa kama. Itim ang tema ng silid at may makakapal na kurtina na kulay dilaw ang tumatakip sa bintana. Gawa sa kahoy ang karamihan ng kagamitan dito.

Bumangon ako ng bahagya. Pilit kong inalala kung ano ang ba ang mga nangyari. Nasaan ba ako?

Ang pagkakatanda ko ay bumalik ako sa bahay namin kasama si Kle-i. Nakita ko si Tito Julian. Nakita ko rin si Draco.

"Gising ka na pala."

Tiningnan ko kung sino ang nagsalita. Si Trevor.

Kakalabas lang niya sa banyo. Wala siyang pang-itaas at tanging puting twalya lang na nakatapis sa beywang ang suot niya. Kasalukuyan niyang pinupunasan yung basa niyang buhok.

"Nasaan ako? Nasaan si Tito Julian? Anong ginawa niyo sa kanya?" Sunod-sunod kong tanong. Pinili ko na iiwas ang tingin ko sa kanya.

"Nandito ka sa kwarto ko. Kasama ng Tito Julian mo yung iba pang gifted sa piitan. Kung ano ang ginawa at gagawin namin sa kanila eh sikreto muna yun babe." Sagot niya sa mga tanong ko. Kahit hindi ako nakatingin, sigurado ako na malaki na naman ang mga ngiti niya sa labi.

"Pakawalan mo ko dito." Sabi ko.

"Hindi pwede. Tsaka, itutuloy pa natin yung ginawa natin sa isla babe." Lumapit siya at umupo sa kama. Nang nakaupo siya eh tumayo naman ako at mabilis na tumakbo palapit sa pintuan.

Nakakainis! Naka-lock!

Biglang hinila ni Trevor yung balikat ko at idinikit ako sa pader. Iiwas sana ko sa kanya pero hinarang niya yung mga kamay niya sa magkabilang gilid ko. Tiningnan ko siya at matalim siyang nakatingin sa'kin.

"Kapag sinabi ko na hindi ka pwedeng umalis, hindi ka pwedeng umalis. Kapag sinabi kong dito ka lang, dito ka lang." Matigas niyang sabi. May ilang butil ng tubig na tumutulo sa basa niyang buhok.

"Ano ba kasing kailangan mo sa'kin Trevor?" Kinapa ko yung Promesa sa dibdib ko pero wala ito.

"Katulad ng sinabi ko sa kapatid ko, kapag nakita kita eh papatayin kita... Sa sarap." Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Mukha mo!" Tinuhuran ko siya at pagkatapos ay siniko. Masakit pero alam ko na mas nasaktan siya at natumba siya sa sahig.

Muli ay kinapa ko yung Promesa sa dibdib ko pero wala talaga siya.

"Ito ba hinahanap mo?" Tanong ni Trevor habang tumatayo. Hawak hawak niya yung Promesa na kwintas.

"Kunin mo..." Sabi niya tapos pinasok niya yung kwintas dun sa loob nung twalya na nakatapis sa kanya. Sa mismong harap niya! Ang manyak niya!

"Sa'yo na 'yan saksak mo sa baga mo!" Tumalikod ulit ako para pilitin buksan yung pinto. Bigla naman akong binuhat ni Trevor mula sa likod ko. Tapos dinala niya ko pabalik sa kama at pilit na inihiga.

"Hayop ka Trevor! Wag!" Hinahampas ko siya sa mukha at dibdib niya. Sinusubukan ko rin siyang sipain pero mas malakas talaga siya.

"Alam mo pakipot ka pa. Masasarapan ka naman babe eh. Hehe." Sabi niya!

Hinawakan niya yung dalawa kong kamay at inilagay sa ibabaw ng ulo ko. Dumagan siya sa'kin. Naaalala ko na naman yung ginawa niya sa'kin sa isla at hindi ko maiwasan ang mangilid ang mga luha sa mata ko lalo na nang magsimula na naman siyang halikan ako sa leeg.

"Jai!" Pagtawag ko kay Jai.

"Kahit gaano pa kalakas ang sigaw mo, walang makakarinig sa'yo!"

Nagpatuloy lang si Trevor sa ginagawa niya at pinipilit ko pa rin lumaban. Nakakapanghina kasi ang lakas talaga niya.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon