Eight: Susi sa Nakaraan Part II

4.8K 222 16
                                    

Julian's POV

Nararamdaman ko ang malakas na uri ng magic sa paligid. Nasa aking harapan ang dalawang grupo ng mga pinakamalalakas na sinaunang gifted noon. Sa aking kanan ay makikita si Elixir na hawak ang kanyang espada, ang Mera. Kasama niya si Magnus at Arkan. Sa kaliwang bahagi naman ay makikita si Cairo, si Atlas na hindi ko pa alam kung ano ang gift at yung babaeng dragon na si Goldas.

Hindi ko alam kung bakit ako nagtatago sa likod nitong malaking puno ngayong hindi naman ako maapektuhan ng anumang gagawin nila sa magiging laban nila. Nangyari na ito noon at binabalikan ko lamang gamit ang aking astral drop. Siguro ay natatakot lamang ako sa kung ano ang maaaring mangyari.

"Binibigyan kita ng huling pagkakataon Cairo. Sumuko na kayo nang sa ganoon ay hindi na kayo masaktan pa." Banta ni Elixir.

"Masyadong matayog ang tingin mo sa iyong sarili Elixir. Bakit hindi ka na lang tumigil sa pagsasalita at simulan na natin ang labanang ito! Goldas!" Sagot naman ni Cairo.

Binuka ni Goldas yung bibig niya at bumuga ng kulay asul na apoy papunta sa direksyon nila Elixir. Inilagay ni Elixir yung Mera sa harapan niya at doon unang tumama yung apoy. Napakalakas ng atakeng iyon ni Goldas. Tinutupok ng kanyang apoy sila Elixir, Magnus at Arkan.

Ilang sandali pa ay tumigil na si Goldas sa pagbuga ng apoy. Kung iisipin ay sigurado ako na magiging abo na lamang ang sinomang tinamaan ng atakeng iyon. Pero nagulat ako dahil pagkalipas ng ilang sandali ay unti-unting nawala yung apoy na para bang hinihigop ito ng isang bagay.

Yung Mera na hawak ni Elixir sa kanyang harapan. Hinihigop nito yung apoy na binuga ni Goldas hanggang sa nawala ito. Pagkatapos nun ay umilaw yung Mera. Nakakasilaw tulad ng liwanag nung Astra. Itinutok ni Elixir ang kanyang espada sa direksyon nila Cairo at iniwasiwas ito. Doon ay lumabas ang malakas na apoy. Kulay asul katulad ng kay Goldas.

Kung ganun, may kakayahan ang Mera na tanggapin ang anumang uri ng pag-atake. Maiipon ito at pagkatapos ay maaaring gamitin pabalik sa kalaban. Para itong salamin na kayang i-reflect ang mga atake ng kalaban. Astig!

Bago tumama pabalik kanila Cairo yung apoy ay nakagawa itong muli ng malaking pader na gawa sa bato. Nagkaroon muli ng malakas na pagsabog ng tumama yung apoy sa pader na bato. Nabalot ng makapal na usok yung paligid. Hindi ko sila makita.

Ilang sandali pa ay lumipad si Goldas. Dahil sa hangin na inilalabas niya sa pagpagaspas sa kanyang pakpak ay nahawi yung makapal na usok. Sumunod si Arkan kay Goldas sa himpapawid at doon nagtuos yung dalawa.

Tumakbo naman papalapit si Atlas kay Magnus. Isang malakas na suntok ang pinakawalan nito. Mabuti na lamang at nakaiwas kaagad si Magnus sa kanyang pwesto. Tumama yung kamao ni Atlas sa isang malaking puno at nabuwal ito. Tumalsik pa nga sa malayo yung puno! Kung ganun, si Atlas pala ang kauna-unahang gifted na may super strength.

Pagkatapos ng atakeng iyon ni Atlas ay napansin ko ang biglang pag-ilaw ng mga mata ni Magnus. Kulay puti ang ilaw na lumabas sa kanyang mga mata. Sandali lamang iyon. Nang mawala ito ay sumugod muli si Atlas kay Magnus ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na umiwas pa si Magnus. Sa halip ay sabay siyang umatake dito. Nagtama yung mga kamao nila at nagkaroon ito ng malakas na impact na halos yumanig sa buong paligid.

Nagkaroon ng super strength si Magnus tulad ng gift ni Atlas. Tsaka ko lang naalala na isa nga pala siyang Ximic. May gift siya na kayang gayahin ang anumang gift ng iba. Nakakamangha yung kapangyarihan ni Magnus.

Tiningnan ko naman kung ano ang nangyayari sa laban ni Elixir at Cairo. Nakita kong gumawa ng isang malaking Earth Golem si Cairo. Inatake nung golem si Elixir pero isang wasiwas lang ni Elixir sa Mera niya at nahati sa dalawa yung katawan nung Golem. Napakalakas pala talaga nun espadang iyon.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon