Sixteen: Ang Hinaharap

4.3K 197 25
                                    

Third Person's POV

Hindi sapat ang liwanag na binibigay ng buwan para matanggal ang kumot ng dilim na bumabalot sa paligid nang gabing iyon. Sa isang simpleng bahay ay makikita ang isang babae na nakaupo sa isang kahoy na silya habang seryoso at tahimik na nagpipinta. Nilublob niya ang hawak na paintbrush sa pinturang kulay pula at pinagpatuloy nito ang pag-guhit sa fruit basket na nakalagay sa ibabaw ng lamesa.

Ilang sandali pa ay may dumapong itim na paro-paro sa iginuguhit niyang mansanas. Tiningnan niya ang paro-parong ito at nagulat ng biglang naging bato ang dinapuan nitong prutas. Nakakaramdam man siya ng takot ay mas pinili niyang manatili sa kaniyang kinauupuan.

"Isang magandang obra maestra..." Pagbati ng isang lalaki sa kaniyang likuran. Pumalakpak pa ito ng mahina habang unti-unting lumalapit sa pwesto ng babaeng nagpipinta. Sa pagdating ng lalaking iyon ay mas dumami ang itim na paro-parong lumilipad sa paligid.

Hindi nilingon ng babae ang lalaking iyon. Sa halip ay nanatili itong nakaupo at ipinagpatuloy nito ang pagguhit kahit pa nawala na ang matingkad na kulay ng mga prutas na kaniyang pinipinta dahil ito ay naging bato na. Inaasahan na niya ang pagdating ng lalaki, nakita na niya ang pangyayaring ito.

"Serafica Montemayor, Top 9 gate keeper. The Seer..." Binasag ng lalaki ang nakakabinging katahimikan sa loob ng bahay na iyon.

[A/N: Seer - Taong may kakayahang makita ang future. (ex. Leia)]

"Inaasahan ko na ang pagdating mo isinumpa..." Sagot naman ni Serafica.

"Handa ka na bang maglakbay sa Hades Etsaia (Kaaway)?" Walang buhay na tanong ng lalaki. Nakatayo lamang ito sa isang sulok habang nakakrus ang mga braso.

"Nakita ko na ang mangyayari sa hinaharap isinumpa... Hindi magtatagal ang inyong tagumpay..." Patuloy lamang sa pagpipinta ang babae habang lumilipad sa paligid niya ang mga itim na paro-paro.

"Mabubuwag ang sampung haligi ng sagradong templo at mabubuksan ang pinto nito para sa muling pagbabalik ng haring tinanggalan ng karapatan sa katotohanan. Maririnig niya ang ibinubulong ng hangin, matitikman ang hinagpis ng tagapagmana, at makikita ang salamin ng kahapon..." Pagsasalaysay ni Serafica.

"Isang buhay ang magbabalik, isang buhay ang mawawala. Isang buhay ang mawawala, isang buhay ang magbabalik..." Dagdag pa nito.

"Wala akong oras para makipaglaro sa iyong mga palaisipan." Sabi ng lalaki.

"At ikaw..." Sa wakas ay lumingon ang babae sa kanyang direksyon at tiningnan ito ng diretso sa mata.

"Ingatan mo ang iyong puso..." Sabi ni Serafica sabay bigay ng isang makahulugang ngiti sa lalaki.

"Mierda (kalokohan)..." Pagkatapos iyong sabihin ng lalaki ay isa isang dumapo ang mga itim na paro-paro sa nakaupong babae. Hindi nagtagal ay naging bato ito.

Pagkatapos mapagtagumpayan ang kaniyang misyon ay umalis na ang lalaki sa bahay na iyon. Iniwan niya doon ang katawan ng babae na sa ngayon ay isa ng matigas na bato ngunit dinala naman niya ang mga palaisipang binitawan nito bago ito mawala. Mga palaisipang bumabagabag hindi lamang sa kaniyang isip kungdi maging sa kanyang puso.

-----

Jairus' POV

"Good morning Daddy!" Bati ko kay Daddy pagdating ko sa dining table. Buhat buhat ko si Leo sa aking mga braso. Umupo ako sa tabi ni Daddy.

"Good morning din anak, mukhang maganda ata gising mo?" Tanong sa'kin ni Daddy.

"Baka naman inspired ang panganay mo honey. Haha." Biro naman ni Tito Lucas sa'kin. Kakarating lang niya galing sa kusina dala ang ilan sa mga hinanda niya para sa almusal namin.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon