Seven: Susi sa Nakaraan Part I

5.1K 223 25
                                    

Julian's POV

"Handa ka na ba, Julian?"

Tanong sa akin ni Constancia. Nandito kaming lahat ngayon sa loob ng isang kwarto kung saan natatakpan ng makakapal na kurtina ang mga bintana. Tanging ilaw lamang galing sa dalawang lampshades sa magkabilang gilid ng kama ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nakahiga ako sa malambot na kama habang hawak-hawak ang Astra na nakasukbit sa leeg ko.

Tumingin ako kay Matteo na nasa kaliwa ko. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at pagkatapos ay tumingin ulit kay Constancia. Ang sabi niya, habang naglalakbay sa nakaraan ang astral drop ko, sila naman ang magbabantay sa katawang lupa ko.

"Handa na ko." sagot ko.

"Tandaan mo, habang naglalakbay ang iyong diwa sa nakaraan ay hindi ka nila makikita, maririnig at mararamdaman." Paalala niya. Tumango naman ako bilang sagot.

Yumuko si Constancia at pumikit. Pagkatapos ay narinig ko ang pagbigkas niya ng mga banyagang salita na hindi ko naintindihan, 'Chant' ang tawag niya rito.

"Fortuna
Velut Luna
Statu variabilis

Sors Salutis
Et Virtutis

Quod per sortem
Sternit fortem..."

Pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang iyon ay nagliwanag ang Astra na nasa dibdib ko. Palakas ng palakas ang liwanag hanggang sa ito ay parang nakakabulag na. Pinikit ko ang mga mata ko dahil hindi ko na kaya.

Pagkalipas ng ilang sandali ay iminulat ko ang aking mga mata. Narito pa rin ako sa loob ng kwarto at nakahiga sa kama. Wala si Matteo o kahit na si Constancia. Bumangon ako at lumabas ng kwarto para hanapin sila. Mukhang epic fail yata yung pagbabalik ko sa nakaraan.

Hindi ko mapaliwanag pero napaka gaan ng pakiramdam ko. Nagpunta ako sa hardin nang may narinig akong nagtatawanan. Nakakasilaw ang araw sa labas pero pumunta pa rin ako sa doon, kailangan kong kausapin si Constancia dahil hindi gumana yung Astra.

Pagdating ko sa hardin ay nagulat ako sa nakita ko!

Mayroong dalawang lalaki na nakatayo at pumapagitna sa isang magandang babae na nakaupo naman. Sa likod nilang dalawa ay may isang... isang napakalaking dragon!

"Kuya Magnus pwede ba huwag kang magulo? Paano ako matatapos sa pagguhit sa inyo kung patuloy kang gagalaw sa iyong pwesto?"

Lumingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakita ko ang isang magandang babae na nakaupo at may hawak hawak na papel at lapis. Tulad ng sabi niya ay iginuguhit niya ang tatlong tao at dragon na nasa kaniyang harapan.

Ang eksenang ito ay pamilyar sa akin. Parang nakita ko na ito kung saan pero di ko lang maalala.

"Napaka sungit namang talaga ng nakababata kong kapatid. Pagpasensiyahan mo na ang iyong kuya, Amara Luna. Ipagpatuloy mo na ang pagguhit at hindi na ako kikilos pa para matapos ka na." Sabi nung lalaki na may mahabang buhok.

"Mabuti naman kung ganoon." Sabi naman nung nagguguhit. Amara Luna ang pangalan niya.

Sandali lang...

Siya yung kauna-unahang Illustrator!

Yung lalaking tinawag niyang kuya ay si Magnus. Magkapatid pala silang dalawa!

Yung isa pang lalaki ay si Elixir tapos yung babaeng nakaupo ay si Celestina at yung dragon naman ay si Arkan. Katulad nung pagpapaliwanag sa akin ni Gab doon sa sketch. Kung ganun...

Nandito na ako sa nakaraan!

Tagumpay yung paggamit ko sa Astra. Teka yung Astra! Kinapa ko ito sa dibdib ko pero hindi ko na ito suot pa. Napansin ko rin yung katawan ko. Nag fafade ako... Transparent... ito yung astral drop ko.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon