Finale: Halik sa Hangin

4.8K 209 50
                                    

Khalil's POV

Pag-akyat namin lima sa rooftop eh nagulat kami sa naabutan namin. Isang higanteng dragon na gawa sa yelo. Isang higanteng toro na gawa naman sa magma at may hawak pang palakol tapos ay si Tito Julian na may suot na baluti sa katawan at pakpak na parang anghel.

Astig!

Pinapalibutan nila si Magnus na may hawak naman na dalawang espada sa magkabilang kamay. Isang kulay green at isang kulay pula. Kung titingnan eh dehado siya kung bilang ang pag-uusapan pero yung lakas ng enerhiya na nanggagaling sa kaniya ay nakakatakot talaga.

Parang hindi naman na kami kailangan dito mga bes.

Nagpunta kami sa isang sulok at nagpasya na panoorin muna kung ano ang mangyayari. Sabi ni kuya Luigi, baka kapag bigla kaming nagpakita eh makagulo lang kami. Kaya ito kami nagtatago.

Si Jai eh nakayakap pa sa'kin sa likod, parang inaasar pa niya si Rigo. Pinitik ko nga siya sa ilong. Napaka talaga.

Ilang sandali pa eh umatake yung Ice dragon. Ginamit niya yung buntot niya para ihampas kay Magnus na nakaiwas naman dito. Tumalon ito at lumutang sa himpapawid pero hindi pa siya tuluyang nakakalayo eh hinampas naman siya ng palakol nung Fire Ox. Hindi siya nakaiwas dun at tumalsik siya sa malayo.

Bumulusok naman ng lipad si Tito Julian papunta sa direksyon ni Magnus. Ang astig tingnan ni Tito Julian kasi may hawak pa siyang espada sa magkabila niyang kamay. Akmang isasaksak ni Tito Julian yung isang espada kaso nakasalag agad si Magnus gamit yung kulay green na espada.

Nagkaroon ng malakas na impact yung pagtama ng mga espada ni Tito Julian at Magnus. Tapos eh nagpatuloy si Tito Julian sa pakikipagespadahan kay Magnus. Sa tuwing nagtatama yung mga espada nila eh nagkakaroon ng nakakabulag na liwanag. Ang lakas nila.

Lumayo ng kaunti si Tito Julian tapos biglang bumuga ng lava yung Fire Ox sa direksyon ni Magnus. Ginamit ulit ni Magnus yung kulay green na espada at naglabas yung ng napakalakas na enerhiya na tumama dun sa lava kaya nagkaroon ng napakalakas na pagsabog.

Nagkaroon ng makapal na usok sa paligid. Hindi tuloy namin alam kung ano na ang nangyayare. Ang ginawa nung Ice dragon eh ibinuka niya yung pakpak niya tapos winasiwas niya ito kaya nagkaroon ng hangin na naghawi sa makapal na usok.

Nakita ko si Magnus na nakatunghod at ginagamit yung kulay pula na espada para suportahan ang sarili niya. Ibinuka nung Ice dragon yung bibig niya at naglabas ito ng daan-daang ice spheres! Lumipad ulit si Magnus para umiwas pero sinusundan siya nung Ice dragon.

Sure ako na kapag tinamaan siya nung ice spheres eh magkakalasog-lasog ang katawan niya sa talas ng mga ito.

Ginamit ulit ni Magnus yung kulay green na espada at iniwasiwas ito sa ere. Naglabas na naman ito ng malakas na enerhiya at bumulusok iyon sa direksyon nung Ice Dragon. Tumama naman ito pero wala itong naging apekto sa dragon dahil parang may force field na nakabalot dito.

Tiningnan ko kung saan ito nanggaling at nakita ko na kay Tito Matteo pala ito. Ang aming ultimate shield!

Isang hampas ng nagliliyab na palakol ang bumulusok kay Magnus at naiwasan niya ito. Habang nasa ere siya eh sumugod ulit si Tito Julian at nakipag-espadahan ulit kay Magnus. Ginamit ni Magnus yung kulay pulang espada at nasalag naman ito ni Tito Julian gamit yung dalawang espada.

Ginamit ni Magnus at pagkakataon na yun para isaksak kay Tito Julian yung kulay green na espada pero katulad dun sa Ice dragon eh may shield din si Tito Julian galing kay Tito Matteo. Humiwalay sila sa isa't isa pagkatapos.

Pumalibot ulit yung Ice dragon, Fire Ox at si Tito Julian kay Magnus. Mukhang ito na ata ang katapusan niya. Hawak hawak pa rin niya yung dalawang espada sa magkabila niyang kamay at nanghihina na siya.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon