Twenty Seven: The Rise

4.1K 195 15
                                    

Jairus' POV

"Jairus, sigurado ka na ba sa binabalak mo?"

Yan ang tanong sa'kin ni Inigo. Nandito kami ngayon sa silid namin ni Khalil. Tinatanggal ko yung mga benda sa katawan ko at pinapalitan ito ng bago. Kailangan kong maghanda.

Nang nagising ako kaninang umaga ay hinanap ko kaagad si Khalil. Ginamit ko pa ang kapangyarihan ko na utusan ang hangin na hanapin siya pero wala siya sa buong Echoria. Pagdating ko sa kaharian eh nalaman ko na nagtungo pala siya sa mundo ng mga tao at ngayon ay bihag na rin ng mga cursed.

Hindi ko maiwasan na magalit sa sarili ko. Ako ang kailangan nila Draco para buhayin si Magnus pero kailangan pa na madamay ang mga mahal ko sa buhay dahil dito. Ang mga magulang ko, mga kaibigan at lalo na si Khalil.

"Hindi pa maayos ang kalagayan mo. Sariwa pa ang ilan sa iyong mga sugat." Pag-aalala ni Inigo.

Bale nakaupo ako sa kama habang siya naman ay nakatayo malapit sa bintana.

"Kailangan ko itong gawin." Sagot ko.

"Naiintindihan ko, hindi niyo maiaalis sa'kin ang mag-alala para sa kalagayan niyong dalawa ni Khalil dahil mga kaibigan ko na kayo. Hindi ka dapat magpadala sa bugso ng iyong damdamin Jairus, kailangan mo munang mag-isip ng plano bago ka kumilos." Sabi niya.

"Wala nang oras. Kailangan ako ni Khalil." Tiningnan ko si Inigo at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Kailangan ko si Khalil..." Dagdag ko pa.

"Pasensiya ka na kung hindi ko napapayag ang aking Heran na sumama ako sa'yo para tumulong." Malungkot na yumuko si Inigo.

Kanina ay nakiusap siya kay Raya kung maaari ba siyang sumama sa'kin sa mundo ng mga tao at tumulong sa laban namin ni Khalil pero hindi siya pinayagan ng kanyang nakatatandang kapatid.

"Masyado ka na maraming naitulong sa amin Inigo. Kahit nalaman mo na cursed ang mga nagtatangka sa amin at na maaari kayong madamay eh tinulungan mo pa rin kami ni Khalil. Maraming salamat." Sinuot ko na ang aking t-shirt at tumayo.

"Meron akong gustong ibigay sa'yo Jairus." Sabi niya.

Nagtaka naman ako kung ano yun. Ilang sandali pa eh umawit si Inigo. May mga kulay dilaw na liwanag ang lumalabas sa tinig niya at marahan itong pumapasok sa katawan ko. Gumagaan yung pakiramdam ko.

"Iyon ay isang Ada na kung tawagin ay Ogmento. May kakayahan itong palakasin ang kasalukuyang emosyon ng isang tao." Pagsisimula niya.

"Ang pagmamahal mo kay Khalil ang magbibigay sa iyo ng lakas at tapang na tapusin ang laban Jairus. Nawa ay pantubayan kayo ni Bathala at magtagumpay." Dagdag pa niya.

Hindi naman na ako sumagot pa at binigyan ko na lamang siya ng yakap bilang pasasalamat. Nagtungo ako sa gitna ng kagubatan kasama sila Leo at Kle-i. Pagkatapos ng mahabang lakaran ay nakapunta rin kami sa gintong puno na nagsisilbing lagusan patungo sa Echoria at mundo ng mga tao.

"Ano ang susunod nating hakbang master?" Tanong sa'kin ni Leo ng tuluyan na kaming nakalabas sa Echoria.

"Kung maari lang sana eh gusto kong hanapin at makausap sila  Daddy at Tito pati na rin yung mga magulang ni Khalil bago ang lahat." Sagot ko.

Tumango naman silang dalawa bilang pagsang-ayon kaya ginamit ko kaagad ang kapangyarihan ko at inutusan ang hangin na hanapin ang mga magulang namin ni Khalil.

-----

Nasa himpapawid kaming tatlo nila Kle-i. Ginamit ko ang kapangyarihan ko para makalipad. Sa ilalim namin ay makikita ang isang napakalawak na kagubatan.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon