Twenty Five: Sakripisyo

3.9K 178 20
                                    

Julian's POV

"Ikaw ang tumatayong pinuno ng mga cursed, pero nagtatago ka sa anino ng iba para makipaglaban. Isa kang duwag."

Isa lamang iyan sa mga linyang gusto kong ibato kay Draco. Sagad hanggang buto ang galit ko sa kanya dahil sa ginawa nila sa mga kaibigan at pamilya ko. Ngayon naman ay gusto niya kaming paglabanin ni TB.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." Walang buhay niyang sagot.

Tiningnan ko ang anak ko...

Ang aking asawa na hanggang ngayon ay wala pa rin malay...

Si Iris...

Si Master Grey...

Isang maling kilos lang at buhay nila ang magiging kapalit. Binasa ko ang isip nung lalaki na palaging nakangiti. Trevor ang pangalan niya, may kapangyarihan siyang gumawa ng mga pasabog. Nalaman ko na siya ang nagpasabog dun sa villa pati na rin dun sa sasakyan dun sa ospital na muntik nang ikapahamak nila Laurence at Lucas.

Bago ko sila makaharap ay kailangan ko munang labanan si TB. Kailangan ko siyang matalo. Kahit anong mangyari.

Pero kaya ko kaya?

"Sige Timothy, simulan mo na ang magandang palabas." Utos ni Draco kay TB.

Walang anu-ano ay inangat ni TB ang kanyang kanang kamay at itinutok ito sa'kin. Isang malakas na pwersa ang tumulak sa katawan ko. Halos masira yung sahig dahil sa lakas ng pwersa na yun, hanggang sa tumama ang likod ko sa isang pader.

Pinilit kong bumangon kahit masakit ang katawan ko.

Focus Julian. Focus!

Pinalutang ko sa ere yung mga maliliit na bato na nasa paligid at inipon sa harap ko. Nang makasiguro na may sapat na itong dami ay pinatama ko ang lahat ng ito sa direksyon ni TB. Nakapagtago naman siya kaagad sa likod ng isang kotse.

Tila mga bala ng baril ang pagtama nung maliliit na bato dun sa kotse. Nabasag ang mga bintana nito at nagkaroon din ng mga butas. Nang matapos ako ay bigla naman bumulusok sa direksyon ko yung sasakyan na pinangharang ni TB.

Ang ginawa ko eh mabilis kong kinalas yung mga bahagi nung sasakyan bago ito makalapit sa akin hanggang sa tuluyan na nga itong nahati sa gitna. Tumama yung mga bahagi ng sasakyan sa magkabilang bahagi ko.

Inangat ko yung katawan ko. Kinontrol ko yung mga malalapit na sasakyan sa paligid ni TB. Pinalutang ko rin ang mga ito at ibinato sa direksyon niya. Mabilis naman siyang nakaiwas sa mga ito.

Gumamit ako ng attribution, ang "Body Control"...

Nang makasiguro ako na hindi na siya makagalaw at makaalis sa pwesto niya ay isang sasakyan ang ginamit ko para bungguin siya. Tumalsik naman ang katawan ni TB.

Ang kailangan ko lang naman gawin ay pahinain ang kapangyarihan ni TB, yung tipong mawawalan siya ng malay. Kapag nangyari yun eh haharapin ko naman yung mga cursed.

Madaling sabihin pero mahirap gawin lalo na at alam ko na kung lakas lang ang pag-uusapan ay walang-wala ako kay TB.

Napansin ko ang pagbangon ni TB. Ang hindi ko napansin ay ang paparating na sasakyan sa direksyon ko. Hindi ako nakaiwas kaya naman nabundol ako nito. Nagpagulong-gulong ang katawan ko sa sahig. Ang sakit sa ulo at katawan.

Lumapit si TB sa'kin at gamit ang gift niya ay inangat niya ang katawan ko. Hinagis niya ko sa kanang bahagi kaya tumama yung katawan ko sa poste. Pagkatapos nun ay pina-angat niya ulit yung katawan ko at inihagis naman niya sa kanan kung saan sa isang kotse naman tumama yung likod ko.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon