Twenty Four: Ultimate Mind Reader

3.9K 192 12
                                    

Gamit ang punto ng pananaw ni Luigi ay balikan natin kung ano ang nangyari sa kaniya kasama si Iris, ang mga gatekeepers, cursed atbp. nang tuluyan na nakatakas sila Jairus at Khalil sa kamay ng mga cursed sa isla.

Luigi's POV

Pinagmasdan ko ang paglipad ni Leo kasama si Khalil at Jairus palayo sa isla. Kahit papaano ay lumuwag naman ang pakiramdam ko ngayong alam ko na magiging ligtas na sila. Ngayon ang kailangan kong gawin eh masigurado din ang kaligtasan ng iba lalo na ng mga ordinaryong tao.

Tiningnan ko ang buhat-buhat kong si Iris. Mukhang napuruhan siya sa laban kanina. Habang pinagmamasdan ko siya eh bigla na lang siyang nagising. Kaagad naman siyang bumitaw sa pagkakabuhat ko sa kanya at nang makabuwelo eh binigyan niya ko ng isang malakas na sampal sa kanang pisngi.

"I hate you." Alam ko na abot langit ang galit sa'kin ngayon ni Iris.

"Sorry..." Ayun na lang ang nasabi ko.

Alam ko na mali ang ginawa ko. Palagi akong pinagsasabihan nila tatay at papa na huwag na huwag kong gagamitin sa masamang bagay ang gift ko. Pero eto ako at ginamit ko ang gift ko sa mga kaibigan ko para sa sarili kong kapakanan.

Noong una kasi eh natakot ako ng sobra, lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising si tatay sa ospital. Pero na-realize ko na kaibigan ko sila Khalil, Jairus at Iris. Hindi tama na hindi ako magtiwala sa kanila.

"Nasaan na si Khalil at Jairus?" Tanong ni Iris. Nasa tono pa rin niya yung galit niya sa'kin.

"Nakaalis na sila ng isla. Ligtas na sila." Sagot ko.

"Good." Pagkatapos sabihin ni Iris yun eh napansin ko ang unti-unting pagliwanag ng katawan niya. Ginagamit niya ang isa sa mga special attribution niya, ang "Self Preservation".

Bilang isang earth elementor, may kakayahan si Iris na pagalingin ang sarili niya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tinuturing ko si Iris bilang isa sa pinaka magaling na gifted sa batch namin. Ilang sandali pa eh tuluyan nang nawala yung mga sugat niya.

"So what's the plan?" Tanong niya habang inaayos yung pagkakatali ng buhok niya.

"Kailangan natin masiguro ang kaligtasan ng mga ordinaryong tao dito lalo na yung Daddy ni Jairus at mga magulang ni Khalil."

"Masisiguro lang natin ang kaligtasan ng lahat ng nandito kung mawawala ang mga bwisit na cursed na 'yun, which is mahirap gawin dahil malalakas talaga sila."

Tama si Iris. Hindi magiging madali ang pagtakas dahil una sa lahat, maraming ordinaryong tao ang nandito ngayon at pangalawa eh malakas talaga ang mga kalaban namin. Nasa ganun akong pag-iisip ng makarinig kami ni Iris ng malakas na pagsabog.

Tumakbo kaagad kami ni Iris sa direksyon na pinanggalingan ng pagsabog. Nakita namin si Trevor na nagliliwanag yung mga kamay habang nasa buhanginan naman ang lolo ni Iris na si Tito Kenji, ang asawa ni Tito Timothy na si Tita Jai at pati na rin si Tito Lucas. Mabilis na lumapit si Iris sa lolo niya.

"Lolo..." Nakatunghod si Iris sa katawan ng lolo niya. Alam ko na sa mga oras na 'to ay wala na itong buhay.

Pumunta naman ako sa direksyon nila Tito Lucas at Tita Jai. Tinulungan ko silang makatayo.

"Nasaan na si Jairus?" Tanong ni Tito Lucas sa'kin.

"Nakaalis na po sila ng isla Tito. Ligtas na po sila." Ngumiti ako sa kanya.

"Salamat naman kung ganun." Ngumiti rin siya pabalik.

"Go to Hell!" Narinig kong sigaw ni Iris kay Trevor.

Inangat ni Iris yung kamay niya at kasabay nun ay ang pag-angat ng buhangin. Naging hugis malaking kamay ito. Itinutok ni Iris yung kamay niya kay Trevor at umatake naman yung malaking kamay na buhangin sa kanya.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon