Twenty Three: Chante Batalia

4.3K 170 11
                                    

Jairus' POV

Pagkagising ko, si Khalil agad ang hinanap ko. Ewan ko pero simula nung napunta kaming dalawa dito sa Echoria eh siya na agad ang gusto kong makita tuwing gigising ako sa umaga at bago matulog sa gabi.

Nakita ko naman siya malapit sa may bintana habang nililinis yung magic weapon niya, ang Promesa. Napakagandang tingnan nung sikat ng araw habang tumatama sa mukha ni Khalil. Tapos seryoso pa siya sa ginagawa niya kaya ang cute lang. Napangiti ako.

"Good morning." Bati ko. Bumangon ako ng bahagya sa hinihigaan ko.

"Good morning din, Jai."

Tumingin lang siya sa'kin sandali at binigyan ako ng matipid na ngiti. Tapos bumalik na siya sa paglilinis nung Pana niya.

"Megaphone, hindi mo pa pala naikwekwento sa'kin kung saan galing yan magic weapon mo." Tanong ko.

"Ito ba? Galing 'to kay Rigo. Binigay niya sa'kin para daw may magamit ako sa pakikipaglaban." Sagot niya. Ang laki ng ngiti niya nung binanggit niya yung pangalan nung Rigo na yun.

"Sino ba yung Rigo na yun?"

Kagabi ko pa naririnig ang pangalan ng lalaki na 'yun mula kay Khalil.

"Nanliligaw ba sa'yo yun?" Pahabol kong tanong.

Tsk tsk.

Mas gwapo naman ako kesa dun. Oo, mas matangkad siya pero mas malaki naman katawan ko. Yung puti ko eh natural hindi tulad sa kanya na nadala lang ng gluta. Tsaka may dimples ako siya wala.

Hindi ako nagseselos!

"Nanliligaw? Uhm, oo... pero hindi ko naman siya sinagot. Mas gusto ko na maging magkaibigan kami. Naiintindihan naman niya." Sagot ni Khalil.

"Eh bakit hindi mo sinabi sa'kin na nanliligaw pala sa'yo yun?"

Hindi ko alam kung bakit ko pa tinanong yun.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Tatay ba kita? Haha." Pagtawa niya.

"Hindi naman. Future Husband mo lang naman ako..."

"Jai ang aga-aga nagbibiro ka ng ganyan." Sabi niya tapos yung ngiti niya unti-unting nawawala.

"Tsaka paano ko sasabihin sa'yo na may nanliligaw sa'kin eh busy ka noon sa panliligaw kay Iris di'ba?" Dagdag niya.

"Niligawan ko si Iris habang nasa ilalim ako ng kapangyarihan ni Luigi."

"Hindi mo ba siya minahal? I mean, hindi mo ba siya nagustuhan? Kahit kaunti?" Tanong ni Khalil. Hindi siya nakatingin sa akin nun.

"Minahal din..."

Hindi ko alam bakit ayun ang lumabas sa bibig ko.

"Eh si Rigo, hindi mo ba siya nagustuhan? Kahit kaunti?" Bakit parang ayaw kong marinig kung ano ang isasagot niya.

Nagkaroon ng katahimikan bago siya nakasagot.

"Sana nga siya na lang eh..." Sagot niya.

"Ganun ba..." Wala naman na akong ibang masabi. Nakakatameme yung sagot ni Khalil mga dre.

Nagpatuloy lang si Khalil sa paglilinis ng magic weapon niya. Parang ito ang pinaka interesting na bagay sa buong mundo kung bigyan niya ito ng halaga. Ganun din siguro yung tingin niya sa nagbigay nito sa kanya.

Hindi ako nagseselos mga dre.

Ang ginawa ko eh lumabas na lang ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Kape. Kailangan ko ng kape. Yung matapang. Yung tipong kapag ininom ko eh yung magiging matapang na ako para maamin ko na kay Khalil yung totoo.

Jairus' CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon