Pakikidigma kay Pag-ibig

2K 13 3
                                    

alam mo ba ang pinaka nakakamatay na digmaan?
iyon ay ang ipaglaban ang taong mahal mo
yung taong kahit kailan ay hindi ka kayang ipaglaban
yung taong mahal mo na siya rin palang kalaban mo
na siya rin palang papatay sayo
na siya rin palang ikakamatay mo

ang mga salita niya
na tila ba isang malakas na putok ng baril na napakasakit marinig
at
tila ba mga bala na paulit ulit na bumabaon sa iyong dibdib
napakasakit nga talagang makipagdigma sa pag ibig

digmaan na walang patutunguhan
tulad ng pagmamahal mo sa kanya
digmaan na ikaw lang ang lumalaban
na ikaw lang ang umaasang matatapos ang laban na kasama mo parin siya

pero gaano man kasakit
ay lalaban ka parin
kasi nga diba umaasa ka
pero sana itigil mo ng ang laban mo
dahil kahit anong laban pa ang gawin mo hindi siya mapapasayo
dahil lumalaban rin siya sa digmaang to
hindi nga lang para sayo

kaya ngayon tapusin mo na ang laban mo para sa kanya
at sumuko ka na
hindi dahil sa naduduwag ka na
kung hindi dahil sa alam mo na siya ang kalaban mo at ayaw mo siyang masaktan kung sakaling lalaban ka pa
kaya ilapag mo na ang lahat ng armas na dala mo
iwanan mo na rin sa lugar na ito ang pagmamahal mo sa kanya
at magsimula ka ulit sa umpisa
magsimula ka ng bagong umpisa at sa pagkakataong ito
hindi mo na siya kasama.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon