ang pag ibig parang domino lang yan
itatayo mo ang bawat piraso hanggang sa wala ng matira
tapos pag nalaman na ng lahat ng tao na tapos na maririnig mo silang sinasabing paguhuin mo na
kayat heto ka at nagpakatanga ginuho mo nga
ginuho mo ang isang bagay na pinaghirapan mong itayo at buuin
at kapag tapos na at sira na ang lahat
magsisialisan na sila
marahil oo nasiyahan silang makitang gumuho na ang lahat
pero ito ka nanghihinayang
dahil ang bagay na pinaghirapan mong itayo nagpasaya ng iba sa pag guho nitobakit nga ba may mga bagay na gagawin mo pa rin kahit na alam mong sisirain lang ng iba
bakit sisimulan mo pa kung alam mo naman magtatapos rin agad
siguro dahil sa mahal mo
kaya kahit nakakapanghinayang gagawin pa rin natin
dahil sa paraang ito may mapapasaya kang tao
mga taong nabibigyan ng inspirasyon na bumangong muli
at itayo ang mga pirasong ginuho ng sakitpero paano ka
paano ang mga piraso mong gumuho na
mga piraso mong ginuho mo para magpasaya ng iba
paano mo nakakayang ibigay sa iba ang dapat na sayo
ang saya na dapat sayo
mga ngiti na dapat sayo
yakap na dapat sayo
halik na dapat sayo
pagmamahal na dapat sayo
at ang taong mahal mo na dapat sayopaano ka naman
ibiginigay mo na lahat
lahat lahat ng sayo
wala na
wala ng natira
sakit at luha na lang
pero hanggang kailan
hanggang kailan mo titiisin ang sakit
hanggang kailan ka luluha
sa palagay mo ba ito na yung panahon para ikaw naman yung sumaya
na ikaw naman ang mahalin
kasi sa palagay ko ito na yun
ito na ang panahon para kunin mo ang dapat na sayo.