hindi ko alam
pero kanina habang ako'y nakatulala
at nakatingin sa kawalan
naalala kita
naalala ko ang iyong mukha
naalala ko kung paanong ang iyong mata ay lumiliit
sa tuwing ikaw ay ngumingiti
naalala ko ang tawa mong musika sa aking pandinignaalala ko ang paglandas ng luha sa iyong pisngi
naalala ko ang iyong pagtangis
naalala ko ang pangyayaring pinagsisisihan kong labis
kung paanong ikaw ay aking iniwan
kung paanong nagawa kitang iwanan
kaya heto ako ngayon nagsisisi sa aking ginawa
alam ko na ako ang nagtaboy sayo
ako ang nagpilit na ikaw ay umalis
ako ang bumitaw sa iyong kapit
pero mahal nagsisisi na ako
dahil mali ang naging desisyon ko
mali na pinakawalan kita
mali na hinayaan kong lumuha kapatawad aking mahal
hindi ko natupad ang mga pangako ko sayo
patawad dahil ikaw ay aking pina iyak
patawad dahil hindi ako ang karapat dapat sayo
patawad sa hindi ko pag unawa sayo
patawad na pagpiglas ko sa mga yakap mo
patawad sa pagiwas ko sa mga halik mo
patawad sa pagbitaw ko sa kamay mo
at patawad dahil minsang nawala ang pagmamahal ko
mahal sana'y patawarin mo akokahit patawarin mo na lang ako
hindi ko na hinihingi na tanggapin mo akong muli
hindi ko na ipipilit pa ang aking sarili
dahil ang gusto ko lang ay ang iyong kapatawaran
ang gusto ko ay makita kang masaya
maaring hindi na sa piling ko
pero magiging masaya ako
dahil alam kong ang pagpapalaya ko sayo noon ay magbubunga ng mas maganda at mas mabuti sa iyo
dahil hindi ako ang karapat dapat sayo
dahil may mas magmamahal pa sayo
yung kayang tumbasan ang nararamdaman mo
patawad mahal dahil hindi na ako iyonsiguro ito na ang huling beses na susulat ako ng tula para sayo
mali hindi pala siguro
dahil ito na talaga ang huling tula ko para sayo
paalam aking mahal
paalam sa iyo
sa taong sinayang ko.