Para sa mga taong lihim na umiibig
para sa mga nagnanakaw ng tingin
para sa mga nahuling nakatingin
para sa mga taong natanong na ni crush kung sino crush mo
para sa mga taong ang nasagot lang ay secret with matching pabebe tone pa
ano ba yan ang hina niyo
hindi biro langito na seryoso na
sa totoo lang
lagi naman akong seryoso
hindi nga lang sineseryoso
gaya na lang nung tinanong ako ng crush ko kung sino daw ba crush ko
ang bilis tuloy ng tibok ni hearty
sabi ko "ikaw" aba ang loko tinawanan lang ako
gusto ko sanang isigaw sa kanyang seryoso ako seryoso
pero wala e sinabi ko na lang na secret
hay buhay nga naman katamadpero ito tuloy ang buhay
dahil ayun siya nakikipaglandian sa iba
kaharutan inatupag imbis na ako
kese nemen e debe nekekeenes
pinakilig ako dati tapos ngayon may pinapakilig ng iba
aba matindi kabilis nakahanap ng iba
matapos ko siyang pasayahin sa mga kalokohan ko iiwan ako
matapos ko siya paligayahin sa mga katangahan ko iniwan pa rin ako
matapos akong gawing clown
hala ayun may bago na
mukhang clownbitter is real
di naman naging kami maka emote ako
pasalamat siya crush lang yun nakamove on ako agad
kung hindi nako hahampas ko sa kanya make up kit ng kalandian niya
so yun nga masaya naman ako ngayon
ayan nga pinapatawa ko naman kayo
ano pagkatapos ko dito iiwan niyo na rin ako
sige ayos lang sanay na naman akong pagsawaan na lang
hay sige ayoko na
kayo na bahala dito