ayos naman tayo diba
ayos naman tayo noon diba
pero ngayon bakit parang may iba
bakit parang sayo'y may nag iba
sabi mo'y hahanapin mo lang ang sarili mo
pero bakit kapalit ko ata ang hinihanap mo
bakit sinasabi mong mahal mo pa ako
kung alam mo naman sa sarili mong may iba ka ng gustonakakatawa lang na bigla mo akong kakausapin kapag may kailangan ka
nakakatawa na bigla kang magsasabi ng mahal kita
pero ang totoo may ipapagawa ka lang pala
ang galing mo din ano
kapag hindi mo na kaya sa akin ka natakbo
pero ngayon pasensya na pagod na kodahil ilang beses na sayong nagmakaawa
hiniling na sana'y wag kang mawala
pero kahit anong hiling ay ayaw mo na talaga
pero pwede bang paunti unti lang
pwede bang dahan dahanin mo lang
yung tipong hindi mo na ko sasabihan ng mahal kita
yung kahit hindi ka na oras oras tatawag pa
yung hindi ka na masyadong magpaparamdam
kasi hanggang ngayon ako'y umaasa pa
kasi hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita
kaya sana mahal pwedeng dahan dahan lang
yung tipong hindi ko mararamdamang tapos na pala.