Wag kang magpapaloko

28 0 0
                                    

Ang daming taong gusto tayong makilala at maging kaibigan
karamihan sa kanila akala natin talagang intirisadong makilala ang ating katauhan
ngunit sa totoo gusto lang tayong gawing libangan
alam ko yon kasi kabisado ko na kung paano ang kanilang galawan
sa una ay tatanungin ka kung pwede kang maging kaibigan
at siguradong "hindi ba magagalit boyfriend mo?" ang tanong na kasunod niyan

mapapansin nating ganyan ang mga kalalakihan ngayon
puro kalokohan lang ang nasa isip ng mga ito
at tayong mga babae magpapadala sa mga ito
mga babaeng mabilis magtiwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ng mga kalalakihan ngayon
mga babaeng mabilis lumambot ang puso sa galawan na hindi naman totoo
ganyan silang mga lalaki paglalaruan ka hanggang magsawa sila sayo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon