May panahong masaya tayo
at may panahong sugatan tayo
at ngayon nasa panahon ako na sugatan ako
naghahanap ng masasandalan
naghahanap ng gagamot sa mga sugat ko
nasa panahon ako na iniisip ko kung bakit nangyari ito
bakit pa kami pinagtagpo kung paghihiwalayin din pala
nasa panahon ako na parang gusto ko ng sumuko dahil hindi ko na kaya ang sakit
nagtatanong kung bakit ba buhay pa kopero buti na lang at hindi ako tumigil
dahil heto ka
bigla ka na lang dumating
sa panahong gusto ko ng sumuko
heto ka at sinabing gusto mo kong gamutin
na gusto mo kong alagaan
na gusto mo kong mahalin
hindi ko inakala na mayroon pa palang iba na gusto akong mahalin
hindi ko alam na nandiyan ka at nawawalan na rin ng pag asa
hindi ko alam na nandiyan ka pala at naghihintaykaya pala
kaya pala naghiwalay kami kasi darating ka pa
kaya pala sugatan ako kasi gagamutin mo pala
kaya pala naghahanap ako kasi nandiyan ka
kaya pala ako hindi sumuko kasi naghihintay ka
kaya pala napunta ko dito kasi makikila pa kita
kaya pala para sayo pala
para sayo pala ang puso ko
salamat at hindi tayo sumuko
salamat at naghintay tayo
salamat at para tayo ang para sa isat isa.