kamusta?
kamusta kayo?
ang daming nagsasabi sakin na may bago ka na
kamusta kayo?
masaya ba kayo?
kamusta ka?
sabi mo space lang ang kailangan mo
sabi mo kailangan mo lang mag isip
pero bakit ganito
nagkaroon ka na ng iba
ganito ba talaga kasakit na malamang meron na
meron ng pumalit sakin
kasama mo ba siya lagi?
ginagawa niyo rin ba yung ginagawa natin dati?
dinadala mo ba siya sa mga lugar na pinupuntahan natin?
mahal ka ba niya tulad ng pagmamahal ko sayo?
o mas higit pa?
nakalimutan mo na ba yung mga plano natin?
kasi ako hindi ko nalimutan yunkasi dapat ako yun e
ako dapat yung kasama mo ngayon
ako dapat yung nagpapasaya sayo
ako dapat yung pinapasaya mo
ako dapat yung binibigyan mo ng mga bulaklak
ako dapat yung kahawakan mo ng kamay
ako dapat yung mahal mo
ako lang dapat yung minamahal mo
nakakatawa kasi sabi mo mag iisip ka lang
sabi mo mahal mo ako pero kailangan mo ng oras
kayat heto ko si tanga binigyan ka ng oras ng espasyo ng lintik na espasyong hinihingi mo
kasi akala ko pagkatapos non babalik ka
pero hindi
dahil ginamit mo pala yung oras na yun para maghanap ng iba
akala mo hindi ko malalaman
na ng dahil sa lintik na oras na yun iniwan mo kong tuluyanano bang kagaguhan tong ginagawa mo sakin
dinadala mo yang bago mo sa mga lugar na hindi ko kayang puntahan ng iba ang kasama kasi puro masasayang alaala natin yung nandoon
dahil ayaw kong bumuo ng ibang alaala dun na iba ang kasama ko
pero ikaw nagawa mo
pinaltan mo na nga ako
pati ba naman yung mga alaala natin pinaltan mo
isa isa mong pinapaltan ang nakaraan
isa isa mong binabago
tanggap ko na e
tanggap ko ng pinaltan mo na ko
pero mahal hindi ako marka ng mga paang putikan na punasan mo lang mawawala na
hindi ako isang lumang bahay na kukumpunihin mo dahil may masasamang alaala
hindi ako laruan na itatapon mo na lang kasi pangit at sira sira na
hindi ako bagay na basta mo na lang itatapon kasi wala ng halaga sayo
dahil tao ako nasasaktan nasusugatan nababasag nadudurog nagdurugo
tao ako na may karapatang magreklamo kasi sobrang ginagago mo na
tao ako na nagmahal sayo ng totoo pero ginago mo
at ngayon ako yung taong pagod ng gaguhin at saktan ng paulit ulitkaya sige na
tanggap ko na
tanggap na tanggap ko na
hanggang dito na lang tayo
ano pa nga bang magagawa ko
eto na e tinapos mo na
pero para tuluyan ng tong matapos
ako naman
ako naman ang tatapos
at gusto ko tapusin to sa isang napakagandang pagpapaalam
so kung nasaan ka man "Hi, gusto ko lang sabihing ang gago mo karmahin ka sana"
BYEEEEEE!! 😉