isang babae
isang lalaki
isang tula
isang kwento
sa iisang puso
babaeng handang mahulog
lalaking handang sumalo
sa tula ng pag ibig
isasalaysay ang kwento ng dalawang pusong nagtagpo
sa pagsapit ng kadiliman na oras ng pagtatagposa isang napakalaking unibersong ating kinalalagyan
minahal kita ng higit pa sa kung paano minahal ng kalangitan ang araw
minahal kita na parang ikaw lang ang nagiisang bituin sa gabi
minahal kita tulad ng pagmamahal ng bituin sa mundo
na hinayaang mahulog ang sarili at magpasalo
na hinayaang masaktan ang sarili makarating lang sayo
at hindi ako nabigo
dahil sa dami ng bituin sa kalangitan
ako ang pinili mong magbigay ng liwanag sayo
sa madilim na mundo mo
at hinayaan akong maglakbay at kilalanin ka ng buoat sa tuwing tumitingin sa iyong mga mata
para bang nakatingin sa karagatan ng tala
tila ba nanonood ng pagsikat ng araw
tila ba isa itong uniberso na hawak ang lahat
tila ba isa kang araw at sa dami ng planeta ako ang napili mong bigyan ng buhay
nakakatawang ako ang mundo ng unibersong kinalalagyan ko
ng unibersong sa akin ay bumuo
ngunit lahat may panahon upang magtapos
tulad ng kusang pagkahulog ng tala sa oras na itoy mapagod
at piliing maging isang normal na bato
ngunit ang pagtatapos ang hindi nangangahulugan ng lungkot
kung hindi isang wakas kung saan ang isang babae
isang lalaki
isang tula
isang kwento
ay nabuo sa iisang puso
sa puso ng babaeng nahulog at ng lalaking sumalo
at sa tula ng pag ibig na ito
isinalaysay ang kwento ng dalawang pusong nagtagpo
sa mundong kinalalagyan nilang hindi inaakalang sila pala ang pagtatapos
sa pag ikot sa mundo hindi inaakalang sila pala ang dulo
Ang dulo ng sari sarili nilang mundo.