ikaw yung tipo ng tao na ang daling mahalin
ikaw yung tipo na ang hirap pakawalan
ikaw yung tipo ng sugal na kaya kong itaya ang lahat
ikaw yung tipo ng pag ibig na mali ng ipagpatuloyat ako
ako yung tipo ng taong sobrang dali mo lang kung bitawan
ako yung tipo ng sugal na hindi mo kayang ilaban
ako yung tipo na kung magmahal ay sobraikaw
ikaw ang araw na para sa lahat
at ako
ako ang buwan sa gabing ang lahat ay tulog na
sa kung saan hindi lahat nakakakita ng liwanag nito
kung saan iniisip ng iba na ikaw lang ang tanging nagbibigay ng liwanag ko
pero hindi nila alam na ako
ako ang nagbigay ng lahat sayo
na kahit napakadaming tala sa paligid ko
naging tapat akoikaw at ako
tayo
meron nga ba talagang tayo?
hindi ko na alam kung saan pa ba ako lulugar
o kung may lugar ba talaga ako sa puso
ano ba talaga tayogusto kong malaman ang sagot sa tanong na yan
pero natatakot ako
natatakot ako sa magiging sagot mo
natatakot akong malaman kung anong halaga ko sayo
kung may halaga ba ako sayopero kailangan na itong wakasan
ang panaginip sa ikaw at ako
kailangan ng magising na wala talagang tayo
na wala talagang ako
dahil wala na akong tinira na kahit ano
ibinigay ko na sayo ang lahat ng baraha ko
wala na
at sa pagkakataong ito ikaw ang panalo.
